Isa ang pagkaing Pilipino sa 10 uri ng pagkain na inaasahang magdodomina at magbibigay ng kulay sa mundo ng pagkain sa darating na taon.
Ang ibig sabihin, asahan na natin na ang mga pagkain at produkto na likas na Pinoy ay maisusulat sa menu ng mga restoran at makikita sa mga eskaparate sa US at Europa.
Nakakatuwang isipin na sa wakas ay mapapansin na ang lutuin mula sa Pilipinas ng mga mamimili sa iba’t ibang dako ng daigdig.
Ang pag-aaral ukol sa interes sa Global Cuisine, balanseng nutris-yon, mga pagkain at sangkap na may kaugnayan sa komunidad at ang pagnanais ng mga nakararami na makipagsapalaran sa mga bagong lasa, lutuin at karanasan ay isinagawa kamakailan ng Sterling-Rice Group (SRG), isa sa mga lider ng brand development companies sa US.
Katulong nila ang mga pinakamalaki at pangunahing kumpanya ng inumin at pagkain sa mundo upang magsagawa ng pagbabalangkas, pag-aaral at pag-aanalisa ng mga darating na trends o kung ano ang magiging patok.
Isang dahilan kung bakit napapansin ang pagkaing Pilipino ay ang masigabo at agresibong pagtataguyod ng mga indibiduwal, na bukod sa pagmamahal sa bansa ay sila ay nagsisilbi din bilang mga embahador ng pagkaing Pilipino.
Isa rito si Angelo Comsti, ang food stylist, chef, at food writer na nagtapos ng professional culinary studies sa Le Cordon Bleu sa Sydney, Australia.
Kamakailan ay naging matagumpay ang paglulunsad ng bagong aklat ni Comsti na “The Filipino Family Cookbook, Recipes and Stories from Our Home Kitchen.”
Inimbitahan ni Angelo ang mahigit na 40 kilalang celebrity chefs at food personalities upang ipamahagi ang mga natatangi at pinagkakaka-ingatang resipi ng kani-kanilang mga pamilya na may kasamang kwento at mga lumang larawan ng nag-ambag.
Kung may katanungan o mungkahi, mag text po lamang sa 09175861963. Huwag kalimutan ang pangalan at lugar.
Raw Papaya Kinilaw with Pork Loin
By Jessie Sincioco
Ingredients
2 small raw papayas, peeled and finely grated
2 tbsp rock salt
2 tbsp vegetable oil
3 cloves garlic, peeled and minced
2 medium tomatoes, chopped
1 small yellow onion, peeled and chopped
220 g pork loin, cubed
3 bay leaves
20 whole black peppercorns
salt and paprika, to season
1/2 cup tomato sauce
100 g pork liver, cubed
1 small red capsicum (bell pepper), sliced
1 small green capsicum, (bell pepper), sliced
5 tbsp vinegar
Method
Place grated papaya in a bowl. Add rock salt. Mix and squeeze juices out. Set aside. Heat vegetable oil in a pan over medium heat and saute garlic, tomatoes and onion until soft and translucent.
Add pork loin, bay leaves, peppercorns, salt and paprika. Saute for a minute.
Add tomato sauce and continue stirring until pork is almost cooked. Add pork liver, capsicum, vinegar and raw papaya. Saute. If mixture becomes too dry, you can add a bitof pork or chicken stock. Once meat and pork liver are cooked, transfer to a plate.
Serve.
Tasty tip: This dish is traditionally from Bulacan and is often served during fiestas, along with morcon, embutido and the lechon, which this kinilaw is typically paired with.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.