Hindi si Pastor Quiboloy ang nagpahinto sa away ng magkakapatid na Barretto. Para lang silang mga boksingerong napagod na sa kasusuntok kaya nagpahinga muna sila. Ilang buwan din silang pumagitna sa kontrobersiya, sila ang pinagpipistahan sa mga umpukan sa palengke, sa mga opisina, kahit nga ang mga pulitikong magkakasama ay sila ang pinagtsitsismisan. […]
AYON sa mundong iniikutan ng buhay ng isang sikat na female personality ay mahihirapan siyang depensahan ang mga kuwentong lumabas tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend nang ilang taon. Kalat na kalat kasi ang kuwentong ‘yun sa kanilang sirkulo, wala lang naglalabas, pero maraming naaawa sa sikat na babaeng personalidad. […]
MARAMING natutuwa sa takbo ng buhay ngayon ng isang female personality. Hindi siya nagpatalo sa mga paghamon sa kanyang buhay at karera. Naging positibo siya sa pagkumpronta sa mga problemang napakaaga niyang naranasan, parang hindi niya ‘yun kakayanin dahil batambata pa siya, pero nagtagumpay ang aktres. Kuwento ng isang source, “Matapang ang babaeng ‘yun! Simple […]
Ang kanyang mga tagahanga ang nakikipag-argumento ngayon sa kampo ni Daniel Padilla, hindi siya nakikisali sa kontrobersiya, palagi namang tahimik lang sa lahat ng panahon ang Pambansang Bae. ‘Yun ang isang katangian niyang pinupuri ng ating mga kababayan, hindi siya nagsasalita, pinipili niya lang ang mga isyung puwede niyang komentuhan. Mula nu’n hanggang ngayon ay […]
Hindi lang isa o dalawang mensahe ng pagpuna ang tinatanggap namin ngayon tungkol sa seryeng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Komento ni Liza, ang kaibigan naming talagang tutok sa serye, “Sana naman, e, haba-habaan nila ang mga eksena bago mag-commercial! Nakakabitin kasi! “Magpapakita sila ng ilang eksena, tapos, commercial agad! E, ang dami-dami […]
WALANG katotohanan ang chikang umiikot na hiwalay na ang isang pamosong showbiz couple. Matatag na matatag pa rin ang kanilang relasyon. Walang dahilan para sila maghiwalay dahil malalim pa rin ang kanilang pagmamahalan at ang pinakamahalaga ay maraming-marami silang pinagkakasunduan. Hindi kayang sirain ng mga intriga lang ang kanilang relasyon, matindi ang tiwala nila sa […]
Dapat lang namang parangalang pilantropo si Angel Locsin dahil sa tahimik niyang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng mapagpalang kamay para muli silang makapagsimula mula sa sobrang pagkadapa. Isa si Angel sa mga personalidad mula sa Asia na pinahalagahan ng Forbes Magazine, mula sa isang malalimang proseso ng pagsasaliksik ay lumutang ang pangalan ng […]
UNTI-UNTI nang nakakabanaag si Sep. Kahit paano’y nakakaaninag na siya. Pero kung bakit kung kailan naman siya nakakakita na ay saka naman humina ang pagpasok ng kanyang mga pangitain. Palalim na nga nang palalim ang daloy ng kuwento ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards. Nakapanghihinayang nang palampasin ang bawat episode nito dahil sa […]
MARAMING nagpapayo na habang kumikita nang maayos ang mga artista ay kailangan nilang mag-ipon at magtabi para sa kanilang kinabukasan. Wala nga namang katiyakan ang buhay ng mga artista, nandiyan sila ngayon, pinapalakpakan at hinahangaan pero kapag dumating na ang dapithapon ng kanilang career ay nagmumukha silang kawawa kapag hindi nakapaghanda. Pero may obserbasyon ang […]