outbrain

Sikat na female celeb suko na sa tamad, maluhong dyowa

By Cristy Fermin December 08,2019
share this

Sikat na female celeb suko na sa tamad, maluhong dyowa

By Cristy Fermin December 08,2019
share this

AYON sa mundong iniikutan ng buhay ng isang sikat na female personality ay mahihirapan siyang depensahan ang mga kuwentong lumabas tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend nang ilang taon.

    Kalat na kalat kasi ang kuwentong ‘yun sa kanilang sirkulo, wala lang naglalabas, pero maraming naaawa sa sikat na babaeng personalidad.

    Kuwento ng isang source, “Nagbabanat ng buto ang girl, halos wala nang pahinga sa katatrabaho, pero ang boyfriend niya naman, e, papetiks-petiks lang!

    “Parang iniaasa na lang niya ang lahat sa girl, hindi na siya nagtrabaho, alam na alam ‘yun ng buong circle nila!” unang kuwento ng aming impormante.

    Mabait lang daw ang babae, hindi palareklamo at palakuwento, pero alam ng mga nagtatrabaho sa kanya kung ano ang mga nangyayari.

    Balik-chika ng aming source, “Maluho ang guy, palibhasa, sanay rin siya sa marangyang buhay. Yayamanin din kasi ang family nila, meron siyang nasasandalan, kaya ganu’n siya!

    “E, nu’ng maging sila na ng girl, lalong naging tamad ang guy. Talagang hindi na siya nagtrabaho, meron naman siyang babalikang work, pero pinaninindigan na lang niya ang pagiging tamad.

    “Paano nga, e, nakahain na lang sa kanya ang mga biyaya! Maraming datung ang babae, kaya umasa na lang siya sa kung ano ang makukuha niya mula sa girlfriend niya!

    “Naku, tantanan na ang mga dramang hindi niya naman iniasa ang buhay niya sa babae, alam na alam ‘yun ng circle of friends ng girl, totoong hindi na siya nagbanat ng buto mula nu’ng maging sila!” madiing reaksiyon ng aming impormante.

    May isang panahon na matagal na nawala ang sikat na female personality, ipinadala siya ng kanilang asosasyon sa malalayong bansa, bahagi kasi ‘yun ng kanyang trabaho.

    Patuloy ng aming source, “Hanggang sa ibang bansa, siya ang inaalala ng girl. May-I-check siya sa guy kung anu-ano ang mga kailangan at kung hindi ba siya napababayaan ng mga kasambahay ng girlfriend niya.

    “Magastos kapag kasama ng girl ang lalaking ‘yun sa ibang bansa, shopping galore lang kasi ang alam niya, kaninong card ang ginagamit niya?

    “Natural, du’n sa girl! Kaya tantanan na ang mga paghuhugas-kamay na meron siyang mayamang relative na sumasagot sa mga luho niya! Kalokohan lang ‘yun!

    “Mabuti nga at maagang nauntog sa katotohanan ang girl, nagising agad siya, pinakinggan din niya ang payo ng mga well meaning friends niya na nagsasabing always look at your back!” pagtatapos ng aming source.

    Naku naman, kilalang-kilala n’yo na kung sino ang sikat na girl na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang karagdagang clue!

* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending