Adik sa 'The Gift' ni Alden may reklamo sa GMA 7 | Bandera

Adik sa ‘The Gift’ ni Alden may reklamo sa GMA 7

Cristy Fermin |December 06,2019
facebook
share this

Adik sa ‘The Gift’ ni Alden may reklamo sa GMA 7

Cristy Fermin - December 06, 2019 - 01:05 AM

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

Hindi lang isa o dalawang mensahe ng pagpuna ang tinatanggap namin ngayon tungkol sa seryeng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Komento ni Liza, ang kaibigan naming talagang tutok sa serye, “Sana naman, e, haba-habaan nila ang mga eksena bago mag-commercial! Nakakabitin kasi!

“Magpapakita sila ng ilang eksena, tapos, commercial agad! E, ang dami-dami pa namang patalastas! Nakakabitin tuloy! Ginaganahan ka pa lang na manood, commercial na naman!

“Mas habaan naman sana nila ang mga eksena sa patalastas! Hindi tuloy makumpleto ang panonood namin, nakakainis!” paglalabas ng sama ng loob ng aming kaibigan.

Ipinaliwanag namin kay Liza na ang mga ads ng serye ang pinagkukunan ng budget para maipambayad sa lahat ng gastusin sa serye. Kung walang mga commercial ay puwedeng tapusin agad ang palabas dahil malulugi ang network.

Ang kanyang reaksiyon, “Okey lang naman ‘yun, pero sana, e, i-limit naman nila ang mga ads. Kasi nga, saglit lang ang mga eksena, tapos, patalastas na naman!”

Senyal ito na talagang sinusubaybayan na ng ating mga kababayan ang serye ni Alden bilang si Sep, pati kasi ang commercial load ng programa ay binibilang na rin ng manonood, makarating sana sa produksiyon ang ganitong makabuluhang pagpansin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending