Dating youngstar nilayasan ng dyowang politiko; ‘Wanted’ na sa panggagantso

By Cristy Fermin December 04,2019
share this

Dating youngstar nilayasan ng dyowang politiko; ‘Wanted’ na sa panggagantso

By Cristy Fermin December 04,2019
share this

HINIWALAYAN na pala ng kanyang karelasyong lokal na pulitiko ang isang dating teenstar na naging maganda na sana ang buhay pero hindi pa rin niya iningatan.

Kung anu-anong anomalya ang kinasangkutan ng female personality, marami siyang katransaksiyong nagrereklamo, dahil kukunin niya ang downpayment para sa proyekto pero hanggang du’n na lang ‘yun.

Kuwento ng isang source, “Marami na siyang napapaikot na politician, hindi na nga lang nagsasalita, dahil magkakasama sila sa trabaho. Magaling kasi siyang magsalita, English speaking pa nga siya, kaya marami siyang nakukumbinsing kausap.

“Lalo na kapag panahon ng eleksiyon, masyadong abala ang babaeng ‘yun sa mga transaksiyong hindi naman natatapos. Kukunin niya ang bayad, pero hindi naman siya nakapagde-deliver!

“Hindi na siya makauulit pa sa isang malaking pamilya ng mga politicians, kasi nga, ganu’n din ang ginawa niya nu’ng nakaraang election. Kinuha niya ang perang pampagawa ng mga t-shirts at tarpaulin, pero wala naman siyang natupad sa lahat ng pinag-usapan nila!

“Nakapag-deliver siya nang ilang daan, pero libuhan ang usapan, minarkahan na siya ng pamilya, kahit kailan, wala nang maniniwala pa uli sa kanya,” unang chika ng aming impormante.

Dahil du’n ay nabubulabog pa rin ang kanyang mister na local official pa naman sa kanilang komunidad. Puro maniningil ang tumatawag sa kanilang bahay, puro kahihiyan, kaya hiniwalayan na siya nito.

Balik-kuwento ng aming source, “Minsan, e, may tinawagan siyang alahera, may ipakikilala raw siyang yayamaning buyer. Pinagdala niya ng malalaking items ang jeweler, hindi raw kasi bumibili ng maliliit lang ang kaibigan niya.

“Pili nang pili ang girl na hindi naman mukhang yayamanin, wala rin siyang masyadong alam tungkol sa alahas, kuha lang nang kuha.

“Naglabas ng check ang babae, ‘yun daw ang ipambabayad niya. Naisip ng alahera, mukhang iuugoy lang siya ng magkaibigang kaharap niya.

“Marami nang nababalitaan ang alahera tungkol sa female personality, kaya ang hirit ng jeweler, ‘Hindi ako tumatanggap ng check, pero kung gusto n’yo, ipapa-clear ko muna ‘yan, tapos, kapag okey na, saka ko ibibigay sa inyo ang mga napili n’yong items!’

“Nagbanggit pa ng pangalan ng isang news personality ang alahera, ‘yun daw ang financer niya, kaya nagkatinginan ang dalawang kaharap niya.

“Huwag na raw, saka na lang daw nila kukunin ang mga alahas kapag may cash na sila. Natakot sila sa pangalan ng news personality dahil alam na alam nu’n ang mga kalokohang pinaggagagawa ng female personality.

“May sister na artista ang babaeng ito, dati rin siyang artista pero tumigil na sa pag-arte, maitim na maitim ang kanilang apelyido,” pagbibigay pa ng clue ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending