Sikat na singer-actress matindi ang pinagdaanan sa buhay pero nagtagumpay | Bandera

Sikat na singer-actress matindi ang pinagdaanan sa buhay pero nagtagumpay

Cristy Fermin - December 07, 2019 - 12:06 AM

MARAMING natutuwa sa takbo ng buhay ngayon ng isang female personality. Hindi siya nagpatalo sa mga paghamon sa kanyang buhay at karera.

Naging positibo siya sa pagkumpronta sa mga problemang napakaaga niyang naranasan, parang hindi niya ‘yun kakayanin dahil batambata pa siya, pero nagtagumpay ang aktres.

Kuwento ng isang source, “Matapang ang babaeng ‘yun! Simple lang siya, pero nang magsabog ng tapang ang langit, e, gising na gising siya!

“Maaga siyang nasaktan sa pakikipagrelasyon. Ilang beses siyang nagmahal at nabigo, nauwi pa nga sa korte ang isang relasyong pinasukan niya.

“Pero matatag talaga siya, hindi siya nagpapatalo, matapang ang female personality na ‘yun!” papuri ng aming impormante.

Kahit sa kanilang pamilya ay nagpakatatag din ang female personality. Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang, naging malaking isyu ang dahilan ng hiwalayang ‘yun, ang female personality rin ang parang naging tagapagtanggol ng kanilang pamilya.

Patuloy ng aming source, “Siya ang kinapitan ng mga kapatid niya nu’ng time na ‘yun, lalo na ng bunso nila na batambata pa talaga nu’ng magkahiwalay ang parents nila!

“Ibang klase siya, kinausap niya ang mga sisters niya, pinalakas niya ang loob, kakayanin nila ang lahat-lahat, sabi niya, basta magkakasama lang sila.

“Di ba naman? Tumapang din tuloy ang mga kapatid niya dahil sa ipinahiram niyang katapangan! ‘Yung youngest sister niya na mahina ang loob, tumapang din!

“Siya ang nag-angat ng family nila sa buhay, hindi man sila nagugutom nu’n sa probinsiya, e, kapos pa rin sila kung tutuusin.

“Dahil sa kanya, e, naging maayos ang buhay nila, nagkaroon sila ng mga properties, nagnegosyo ang daddy niya. Siya ang poste ng family nila kung tutuusin.

“Magaling sa buhay ang girl, hindi siya basta umuurong sa laban! Magaling na siyang aktres, e, napakahusay pa niyang singer. At hindi rin siya nagpapahuli sa hatawan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Greatest love of all niya ang isang pamosong action star na nagpakilala sa kanya sa mundo ng pag-ibig. Magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon, ‘Tol pa rin ang tawagan nila,” mahabang kuwento ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na siguro kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending