Greta walang sariling pera; Claudine dapat nang bumalik sa trabaho
Hindi si Pastor Quiboloy ang nagpahinto sa away ng magkakapatid na Barretto. Para lang silang mga boksingerong napagod na sa kasusuntok kaya nagpahinga muna sila.
Ilang buwan din silang pumagitna sa kontrobersiya, sila ang pinagpipistahan sa mga umpukan sa palengke, sa mga opisina, kahit nga ang mga pulitikong magkakasama ay sila ang pinagtsitsismisan.
Aba, nakakapagod din ang pagpapalitan ng mga patutsada, a? Ilang beses sa isang araw ba silang naglalabas ng mga kasiraan ng mga kadugo nila?
Nakakapagod din ‘yun! Isang araw ay makakaramdam din sila ng hingal. Lalo na kapag hindi naman sumasagot ang kanilang kalaban, para lang silang nakikipaglaban sa multo, di ba naman?
Sa halip na paringgan si Marjorie ay mas magiging makabuluhan ang buhay ni Claudine Barretto kung magpapakaaktibo na lang siya sa paggawa ng pelikula.
Hindi puwede ang ganyan na palagi lang siyang nakasiksik sa laylayan ng palda ng kanyang Ate Gretchen. Ang kanyang kapatid man ay wala namang sariling perang maipagmamalaki mula sa kanyang pagtatrabaho, umaasa lang din ito sa mga biyaya mula sa ibang tao, mapapagod din ang kanyang ate sa pagtulong sa kanya.
Sa totoo lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.