Kilalang singer-actor lumapit na naman sa apoy kaya 'sinusunog' ng bashers | Bandera

Kilalang singer-actor lumapit na naman sa apoy kaya ‘sinusunog’ ng bashers

Cristy Fermin |December 06,2019
facebook
share this

Kilalang singer-actor lumapit na naman sa apoy kaya ‘sinusunog’ ng bashers

Cristy Fermin - December 06, 2019 - 01:00 AM

ANG kilalang male personality ang sinisisi ngayon ng marami kung bakit siya nalalagay sa hindi kagandahang sitwasyon. Siya raw ang lumalapit sa apoy kaya siya ang nasusunog.

Dahil nagdududa na nga ang lahat sa kanyang kasarian, anuman ang gawin niya ay nilalagyan ng malisya, kaya dapat kuno ay ang male singer na ang naglalayo sa kanyang sarili sa kontrobersiya.

Naugnay ang pangalan ng male singer sa isang hunk actor. Ang sabi pa nga sa mga kuwento ay siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng hunk actor at ng karelasyon nitong pamosong female personality.

Kuwento ng isang source, “Dahil nandu’n na nga siya sa ganu’ng sitwasyon, kung ayaw niyang napagpipistahan ang gender niya, e, siya na dapat ang umiiwas!

“Sarilinin na lang niya ang kung anumang nararamdaman niya, may malice man o wala, dahil sa kanya rin kasi nagbu-boomerang ang mga ginagawa niya!

“Huwag na niyang inilalabas ‘yun in public, ‘yung nalalaman ng taumbayan, kasi nga, e, lalagyan na naman ‘yun ng malice!” nagpapaalalang komento ng aming impormante.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanila ng pamosong hunk actor. Marami pa ring nagbabantay sa kanilang mga galaw.

“Paano naman makakalimutan agad ng mga tao ang tungkol sa kanila, e, kumalat agad nu’n ang kuwento na siya ang reason ng paghagulgol nang matindi nu’ng young actress sa isang talk show!

“Natural, mag-deny man sila nu’ng hunk actor, e, mas marami pa ring naniniwala na totoong-totoo ‘yun! Naging magkarelasyon sila nu’ng male personality na katulad niya, e, matagal na ring inuurirat ang gender!” punto uli ng aming source.

Dahil sa sobrang katuwaan at pagiging proud ay nagpadala ng mensahe ang male performer sa isang sikat na atleta. Ito ang pinagpipistahan ng buong bayan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balik-chika ng aming impormante, “Ayun, siya na naman ang naglagay sa sarili niya sa controversy! Sana, sinarili na lang niya ‘yun, sana, naghintay na lang siya ng tamang chance para batiin niya ‘yung athlete na dinadambana ng mga kababayan natin ngayon!

“Mark my word, siya kasi ang hindi nag-iingat! Sana, bantayan niya ang mga ginagawa niya para hindi siya nagiging laman ng mga pagdududa!” pagtatapos ng aming source.
Alam na this, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo na kung sino ang male performer na ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending