NAGSIMULA lang ang lahat sa suhestiyon. May nagbigay ng ideya kay dating Miss Universe Catriona Gray na dahil hindi na ito magiging abala ngayon at dahil gusto naman nitong kumanta at mag-artista ay puwede silang magsama sa isang show ni Kris Aquino. Ganu’n lang naman kasimple ang ideya, pero nag-angatan na agad sa kanilang mga […]
PINAGTRIPAN na naman sa isang malaking umpukan ang isang kilala na ring young actress na mayhawak na kuno ng trono ngayon sa pagiging Simang (read: palasimangot). Ayon sa mga miron ay parang pasan niya ang daigdig, bihirang-bihira siyang ngumiti, pero kapag nasa happy mood naman siya ay parang komedyante siya na ayaw magpapigil sa kadyo-joke. […]
SA isang Christmas Party ay pinagpistahan sa isang malaking umpukan ang tatlong male singers na hinihiling ng mga miron na magkaroon na sana ng lovelife sa papasok na taon. Magkakasama sila sa isang network, magkakasama rin sa isang variety show, napakatagal na panahon na kasing walang napapabalitang girlfriend ang tatlong male singers. Kuwento ng aming […]
NATURAL lang na ipagtanggol ni Lotlot de Leon ang kanyang anak sa isyung kinapapalooban nito ngayon nang dahil lang sa simpleng pagkokomento tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Senador Bong Revilla. Napakaigsi lang ng ikinomento ni Janine Gutierrez, “Oh, God! Di ko kaya, besh!” lang, pero nagkaroon ng hindi kagandahang dating ‘yun sa mga nagmamahal sa aktor-pulitiko […]
Palaging prayoridad ni Alden Richards ang kanyang pamilya. Hanggang maaari, basta nagbakasyon siya sa ibang bansa, ay kailangang kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay. May karapatang magbakasyon ang Pambansang Bae, sa matinding trabahong ginagawa niya sa buong taon ay nararapat lang siyang magpahinga, kasama ang kanyang pamilya. Nu’ng nakaraang taon ay sa […]
MAY kaibigan ang aming source na nakatira sa isang condo. Sa lugar ding ‘yun nakatira ang isang kilalang male personality. Nagtataka ito kung bakit maraming kalalakihang palaging nagpupunta sa unit ng aktor. Binusisi ng kanyang kaibigan ang aming source, tanong ito nang tanong kung bakit, nagtataka na raw kasi ang mga nakatira du’n kung bakit […]
Ipinagtanggol ni Sharon Cuneta ang kanyang kapwa singer na binabash-bash kamakailan, siya mismo ang nagdiin sa tungki ng ilong ng mga bumibira kay Regine Velasquez na hindi dapat ginaganu’n ang Asia’s Songbird, dahil napakalaki na ng napatunayan nito sa mundo ng musika. Walang pinatungkulang sinuman ang Megastar, pero siguradong umaray ang mga umuupak kay Regine […]
PANAHON ngayon ng mga umpukan. Pinagpipistahan sa mga ganu’ng pagkakataon ang maraming personalidad na may pinalutang na kakaiba at markado. Pinagkukuwentuhan nu’ng gabing ‘yun ang isang female personality na napakatagal na panahong ipinagkaila ang pagkakaroon niya ng anak nu’ng bago siya pumasok sa pag-aartista. Kuwento ng isang source, “Hindi niya naman kasi puwedeng idenay ‘yun, […]
PASKO na! Ilang tulog at gising na lang at magmamano na ang mga inaanak sa kanilang mga ninong at ninang. ‘Yun ang naging kuwentuhan sa isang malaking umpukan nu’ng isang gabi. Bumida na naman sa pagpipista ng grupo ang isang kilalang female personality na tanggap nang tanggap ng mga inaanak pero ni minsan ay hindi […]
Sa paghihiwalay nila ni Mico Palanca ilang taon na ang nakararaan ay naging maayos ang pakikipagrelasyon ni Bea Alonzo sa pamilya ng namayapang aktor. Napanatili ni Bea ang magandang komunikasyon sa pamilya ng kanyang dating boyfriend, walang naging pagbabago, sila lang ni Mico ang nagkahiwalay. Hanggang ngayon ay may magandang relasyon sila ng mga tiyahin […]