Kontrobersyal na female singer baliw na baliw sa bf; wala nang paki sa pamilya | Bandera

Kontrobersyal na female singer baliw na baliw sa bf; wala nang paki sa pamilya

Cristy Fermin - December 23, 2019 - 12:05 AM

ECHOSERANG frog kung tawagin ngayon ng mga miron ang isang female singer. Nainis ang mga ito dahil ginawa pa niyang sangkalan ang problema ng kanyang pamilya nu’ng may gawin siyang hindi kagandahan pero wala pa rin naman pala siyang ginagawang hakbang.

Hanggang ngayon pala ay deadma pa rin naman siya sa kanyang pamilya, kahit anong pagkilos ay wala siyang ginagawa, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang boyfriend.

Kuwento ng isang source, “Naku, isang echoserang palaka ang babaeng ‘yun! Kiyeme lang niya na sobrang stressed siya dahil sa domestic problem nila, pero mula nu’n hanggang ngayon naman, e, wala pa rin siyang ginagawang move!

“Paano nga, sobrang inlabey na inlabey ang hitad na ‘yun sa lalaking kinokontra naman ng pamilya niya!” umpisang chika ng aming source.

Napapansin ng marami na mula nang magkaroon ng problema ang female singer at ang kanyang pamilya ay lumamlam na ang kanyang singing career.

Patuloy ng aming impormante, “Mismo! Hindi na siya kinukuha ngayon sa mga corporate shows, mahirap na nga naman kasi, baka kapag nandu’n na siya sa venue, e, magkaroon na naman ng problema!

“Baka biglang tumawag sa kanya ang boyfriend niya, baka kailangan na nilang magkita, kaya wala siyang choice kundi ang magdrama na naman!

“Sa totoo lang, kapag ganyan siya nang ganyan, e, tuluy-tuloy na ang pagsayad ng singing career niya! Alam n’yo naman ang mga kababayan natin, kasama sa pagkagusto nila sa personality ang pagiging masunuring anak sa mga magulang niya!

“Nakita niya naman siguro ‘yung isang female personality na tinatawag na ngang tanga at duwag ng iba dahil sa sobrang pagiging masunurin sa parents niya, di ba?

“Nandiyan pa rin ang girl, sikat na sikat pa rin, very successful! Kasi nga, e, nakikinig siya sa payo ng mga magulang niya, hindi siya pasaway!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“E, itong si echoserang frog? Deadma na siya sa family niya, kasi nga, e, kontra sa boyfriend niya na mismong father na niya ang nagsasabing bad influence!

“Haaaay! Masarap ang hamon ngayong Pasko, ‘yun lang!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.
Naku naman, bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, di ba naman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending