Bea labs pa rin ang pamilya ni Mico; paano naman si Gerald? | Bandera

Bea labs pa rin ang pamilya ni Mico; paano naman si Gerald?

Cristy Fermin |December 20,2019
facebook
share this

Bea labs pa rin ang pamilya ni Mico; paano naman si Gerald?

Cristy Fermin - December 20, 2019 - 12:10 AM

Sa paghihiwalay nila ni Mico Palanca ilang taon na ang nakararaan ay naging maayos ang pakikipagrelasyon ni Bea Alonzo sa pamilya ng namayapang aktor.

Napanatili ni Bea ang magandang komunikasyon sa pamilya ng kanyang dating boyfriend, walang naging pagbabago, sila lang ni Mico ang nagkahiwalay.

Hanggang ngayon ay may magandang relasyon sila ng mga tiyahin ni Mico, lalo na ang mga kapatid ng aktor, hindi ‘yun nasira kahit kailan.

Nakiramay si Bea nang pumanaw si Mico, pinuntahan niya ang pamilya, kasama ang dati nilang handler ni Mico na si Monch.

Maraming natuwa sa ginawa ni Bea, mapagpahalaga nga naman siya sa pinagsamahan, hindi siya nakalilimot.

Maganda naman kasi ang paghihiwalay nila ng namayapang aktor, hindi sila nagkasaulian ng kandila, kaya buung-buo pa rin ang relasyon ni Bea at ng pamilya ng kanyang ex.

Tanong ng marami, ganu’n din daw kaya ang relasyong meron si Bea sa pamilya ni Gerald Anderson, napanatili kaya niya ang pagmamahal sa mga miyembro ng pamilya ng aktor na sinasabing nanakit sa kanya nang wagas?

Puwedeng hindi, dahil kahit naman ang mommy ng aktor ay nagsabi na hindi sila naging close ni Bea Alonzo, kaya walang lilingunin ang aktres sa nawasak nilang relasyon ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending