Kilalang female celeb biglang nawawala kapag pasko; mga inaanak nganga
PASKO na! Ilang tulog at gising na lang at magmamano na ang mga inaanak sa kanilang mga ninong at ninang. ‘Yun ang naging kuwentuhan sa isang malaking umpukan nu’ng isang gabi.
Bumida na naman sa pagpipista ng grupo ang isang kilalang female personality na tanggap nang tanggap ng mga inaanak pero ni minsan ay hindi man lang naaalalang regaluhan ang kanyang mga tagapagmano.
Kuwento ng isang source, “Ang dami-dami niyang inaanak, puro anak ‘yun ng mga kasamahan at kaibigan niya. Pero ang nakakaloka, mga binata at dalaga na ang mga inaanak niya, pero kahit minsan, e, wala man lang tinanggap na aginaldo mula sa kanya!
“Mismo! Totoo ‘yun! Kasi nga, e, tumatakas siya kapag malapit na ang Pasko, nag-a-abroad siya, bumabalik siya rito, e, pa-Valentine’s Day na!
“So, saan siya hahanapin ng mga inaanak niya, mangingibang-bansa rin ba ang mga ‘yun para lang makapagmano sa kanya?
“Super-kuring ang female personality na ‘yun! Hindi lang sa mga inaanak niya, sa kahit anong aspeto, kuripot talaga ang lola n’yo!” madiing kuwento ng aming impormante.
Nakakatawa nga. Nagkakaroon ng karelasyong mas bata sa kanya ang kilalang female personality mula nu’ng magkahiwalay sila ng mister niya. May mga nagsasabing pineperahan lang kuno siya ng lalaki.
Patuloy ng aming source, “Naku, walang maniniwala na datung lang ang habol sa kanya ng guy dahil unang-una, walang perang makukuha sa kanya ang lalaki dahil sa sobrang kakuringan niya!
Kahit sa pakikipag-relasyon, masyadong sarado ang mga palad ng girl!
“Uso ang bigayan ng regalo sa mga magkarelasyon, di ba? Pero hindi naniniwala du’n ang girl, sa paniniwala niya, e, lalaki lang dapat ang nagbibigay ng gift sa babae!
“May nakarelasyon nga siyang yummy male personality, di ba? Nagtataka rin nu’n ang guy, kasi nga, kahit minsan, e, hindi man lang siya naregaluhan ng babaeng ‘yun!
“Kaya wala talagang maaasahan sa kanya ang mga inaanak niya kapag Pasko. Waley, as in, waley talaga! Wala sa bokabularyo niya ang paglalabas ng datung!
“Wish nga siguro ng mga inaanak niya, e, mag-pop-in, pop-out na lang siya!” humahalakhak pang sabi ng aming impormante. Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, meron pa ba namang iba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.