‘Bebinca’ papasok sa bansa anumang oras, nagpapaulan sa bahagi ng Luzon
ANUMANG oras ngayong araw, September 13, inaasahang papasok ng ating bansa ang bagyo na may international name na Bebinca.
Ayon sa 11 a.m. report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan 1,500 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas na hanging 85 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos papunta sa hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sakaling pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR), ang bagyo ay tatawaging Ferdie o ang pang-anim na bagyo ng bansa para sa taong 2024.
Baka Bet Mo: Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!
Ayon sa forecast ng PAGASA, ang weather disturbance ay mananatiling malayo sa kalupaan.
Posible rin daw na lumabas ito ng PAR bukas ng umaga o gabi, September 14.
Base sa weather bulletin ng ahensya, ang “trough” o ekstensyon ng bagyong Bebinca ay magpapaulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.
At bilang may epekto pa rin sa bansa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat, asahan ang monsoon rains sa MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Occidental.
May scattered rains naman sa Bicol Region, southern portion ng Quezon, Batangas, ang nalalabing bahagi ng Visayas, pati na rin ang Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.