Carlos tuloy ang laban sa 2025 SEA Games, Eldrew di pa pwedeng sumali
WALANG magaganap na labanan o tapatan sa pagitan ng magkapatid na Carlos Yulo at Eldrew Yulo sa 2025 Southeast Asian Games.
Ito’y matapos lumabas ang balitang posibleng lumaban ang mag-utol sa naturang sports event next year na gaganapin sa Thailand.
Iyan ang nilinaw ng 2-time Olympic gold medalist at Pinoy champ nang tanggapin ang P5M cash gift mula sa DigiPlus at ArenaPlus nitong nagdaang Sabado, August 31, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.
Baka Bet Mo: Magkapatid na Carlos, Eldrew Yulo ‘sureball’ sa 2028 Olympics –Cynthia Carrion
Kinumpirma ni Carlos na muli niyang dadalhin ang bandera ng Pilipinas bilang kinatawan ng bansa sa 2025 SEA Games para sa senior level ng competition.
View this post on Instagram
Aniya, hindi pa raw maaaring lumaban si Eldrew sa senior level ng SEA Games next year dahil 16-years old pa lamang ang kapatid, 18-years old daw ang age requirement para sa naturang division.
Pero nagbigay siya ng payo sa kapatid bilang isa ring atleta na nangangarap makapagbigay ng karangalan sa sambayanang Pilipino.
“Sa experience niya makukuha iyung mga pangarap niya. At may naga-guide naman sa kanya. Feeling ko, ito (Olympics) ‘yung path naming dalawa. Magpakatatag lang siya. Just go for it. Mag-enjoy lang siya,” mensahe ni Caloy kay Eldrew.
Baka Bet Mo: Willie nagpatutsada sa show ni Dingdong: Ano ‘to? Labanan ba ‘to?
Samantala, bilang paghahanda naman sa pagsabak niya sa 2028 Los Angeles Olympics, plano ni Caloy na magtungo sa United Kingdom para doon mag-training.
“Gusto ko pong makakuha ng techniques nila, and syempre makapag-share din po ng knowledge sa kanila,” ani Carlos.
Ayon naman sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP), plano nilang mag-develop ng mas marami pang talents para makabuo ng quartet na maaaring mag-qualify sa LA Olympics.
View this post on Instagram
“We want to go to LA in 2028 with a team and (Carlos) will be leading a team,” sabi ni GAP chief Cynthia Carrion.
“Of course, a team is composed of four athletes and one reserve, and we really must train the other three so we can win as a team,” sabi pa ni Carrion.
“Carlos wants to win the gold medal for all-around. When you say all-around, that’s six apparatus and that’s going to be very, very difficult.
“He’ll be training very hard, and I just pray he doesn’t get injured because once you get injured it’s very difficult. That’s our prayer, that he doesn’t get injured.
“And we have big plans, we’re going to get a lot of coaches for other players, going to send him to training camps wherever — England, Korea, Japan — all these places so he gets experience,” dagdag ni Carrion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.