Willie nagpatutsada sa show ni Dingdong: Ano 'to? Labanan ba 'to?

Willie nagpatutsada sa show ni Dingdong: Ano ‘to? Labanan ba ‘to?

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 12:47 PM

Willie nagpatutsada sa show ni Dingdong: Ano 'to? Labanan ba 'to?

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens sa naging pahayag ni Willie Revillame hinggil sa tapatan ng kanyang programa sa TV5 at sa “Family Feud” ng GMA 7.

May mga kumampi sa matatapang na patutsada ng TV host laban sa game show ni Dingdong Dantes pero may mga bumatikos din sa kanya at tinawag na pikon.

Nag-react kasi ang beteranong TV host sa publicity material na inilabas ng GMA 7 kung saan ipinakita ang nakuhang numbers ng “Family Feud” na kalaban nga ng bagong show ni Willie sa TV5 na “Wil To Win.”

Nagpasalamat ang GMA sa nakuhang 9.6 rating ng “Family Feud” last Monday na siyang pinakamataas na numero sa labanan ng mga programang nasa naturang timeslot.

Sey ni Willie, “Kung may makikita kayong ipinapakita nila ang ratings nila na mataas sila, hindi po kami naaapektuhan. Kasi ang puso namin magbigay ng saya at pag-asa sa inyo.”

Baka Bet Mo: Willie binuking na may mga anak na sina Coco at Julia, true kaya?

Dugtong pa niya, “Okay lang naman lahat ‘yan, ‘di ba ganu’n talaga, wala naman kaming ano, basta kami tuloy-tuloy lang magtrabaho dito sa TV5, aayusin namin mapasaya kayo araw-araw.”

Ibinandera pa ng TV host sa publiko na ang “Wil To Win” ay isang original concept at hindi binili sa ibang bansa. Sa mga hindi pa aware, ang “Family Feud” ay isang game show mula sa Amerika.

Bukod dito, live na live raw ang kanilang programa at hindi naka-tape.

Naglabas din si Willie ng kanyang saloobin sa ipinalabas na episode ng “Family Feud” kung saan ang kanyang anak na si Meryll Soriano kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang mga players.

Himutok ni Willie, “Ano ‘to? Labanan ba ’to? Hindi. Tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap. Basta kami ‘yun lang ang purpose namin.”

Dahil dito, marami ang nagkomento na pikunin daw talaga si Willie at mapagpatol sa mga taong hindi pumapanig o nangnenega sa kanya.

Pero may nagsabi namang may punto ang TV host sa pagpapalabas ng show ni Dingdong kung saan guest ang anak niyang si Meryll kasama si Maricel.

Sabi ng isang nakapanood sa show ni Willie, “He has a point. Parang sinadya talaga ng FF na itapat si Meryll sa show ng tatay niya. But business is business.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Komento naman ng isang netizen, “First day pa lang ‘yan ah? Bakit nu’ng sa GMA at mataas rating niya, naniniwala naman siya dun? Dear, Willie. We need something new din po. Paulit ulit nalang po shows niyo since Wowowin.”

Habang isinisulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Dingdong. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng Kapuso Primetime King hinggil dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending