Willie binuking na may mga anak na sina Coco at Julia, true kaya?

Willie binuking na may mga anak na sina Coco at Julia, true kaya?

Pauline del Rosario - July 15, 2024 - 10:40 AM

Willie binuking na may mga anak na sina Coco at Julia, true kaya?

Willie Revillame, Coco Martin and Julia Montes

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang nakakagulat na rebelasyon ng TV host na si Willie Revillame.

Tila nadulas kasi siya nang magpasalamat sa aktor na si Coco Martin sa gitna ng pre-debut event ng bago niyang programa na “Wil to Win” sa TV5.

Ang welcome party ni Willie ay ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Linggo, July 14.

At bilang pagbati sa inaabangang game show na magsisimula na ngayong July 15, nagkaroon ng video greet ang ilang mga artista.

Isa sa mga bumati ay si Coco at siya ay pinasalamatan naman ng TV host.

Baka Bet Mo: Coco Martin, Piolo Pascual magsasama sa iisang proyekto, fans excited na

“Thank you very much Tanggol! Thank you Coco sa pagbati mo. I like your bangs ha,” pang-aasar muna niya.

Kasunod niyan, marami na ang nagulat sa tila kumpirmasyon ni Willie sa matagal nang tsismis na may mga anak na raw si Coco at ang rumored girlfriend niya na si Julia Montes.

“Sobrang bait ‘tong si Coco Martin. Coco, to Julia, at sa mga mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco,” pagbubunyag ng TV host.

Dagdag niya, “Noong time ng Holy Week magkasama tayo at sana dumating ‘yung time, igi-guest mo ako sa Batang Quiapo. Bibigyan na kita ng jacket!”

Kung matatandaan noong nakaraang taon, ni-reveal ng batikang showbiz columnist na may dalawang anak na sina Coco at Julia.

Ayon sa kanya, ang panganay na anak ay si Matilda na nasa edad apat na, habang ang pangalawa ay si Popoy na halos dalawang taong gulang na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naiintindihan po namin kung bakit hindi po sila nagbibigay ng opisyal na pahayag o komento tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Ganoon po talaga ang mga magulang. Ang gusto nila, hanggang maaari na mailayo sa mata ng publiko ang kanilang mga anak ay gagawin nila,” saad pa ni Nanay Cristy sa bahagi ng kanyang vlog noon.

As of now, wala pang inilalabas na pahayag ang rumored couple patungkol sa latest update na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending