Relasyong Julia-Coco mas naging solid; may pasabog para sa fans

Relasyong Julia-Coco mas naging solid; maraming pasabog para sa fans

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 08:10 AM

Relasyong Julia-Coco mas naging solid; maraming pasabog para sa fans

Coco Martin at Julia Montes

SUPER na-enjoy ng celebrity couple na sina Julia Montes at Coco Martin ang pagbabakasyon nila sa Spain nang ilang araw.

Sa mga ipinost na mga litrato ni Coco sa Instagram ay makikitang sweet na sweet sila ni Julia, lalo na ang photo nila na kuha sa harap ng Casa Battlo sa Barcelona, Spain.

Mapapansing tinag pa ng “Batang Quiapo” lead star si Julia sa kanyang IG post with matching heart emoji sa caption.

Baka Bet Mo: Xyriel na-enjoy ang pagiging teenager; nagtinda ng fishball at fries

May isa pang post si Coco sa IG kung saan magka-holding hands pa sila ni Julia habang nasa tapat ng Sagrada Familia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, nagbahagi rin si Julia ng litrato nila ni Coco na kuha sa isa pang napakagandang lugar sa Spain sabay tag din sa Kapamilya Teleserye King na ikinakilig ng kanilang fans kabilang na ang mga kaibigan nilang celebrities.

Pinusuan nina Dimples Romana, Vhong Navarro, EA Guzman, Isabel Oli-Prats,  Jake Cuenca at marami pang iba ang sweet photos ng magdyowa.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Andrea: ‘Kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin…ganoon ko siya kamahal’

Sa katatapos lamang na 7th EDDYS awards night, kung saan nagwaging best actress si Julia para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance”, natanong ang aktres tungkol sa Spain sojourn nila ni Coco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Masaya dahil busy din naman siya, deserve niya rin ang makapagpahinga. Makapagsimba rin, yun yung isa sa na-enjoy namin,” sagot ng aktres.

Mas nagiging solid pa raw ang samahan nila ni Coco kapag magkasama silang nagta-travel sa ibang bansa, “Oo, kahit na siguro sa barkada kapag nagkakasama kayo out of the country, out of town, dun mo mas nakikilala.

“Masarap lang na kahit papaano sa busy natin, lalo na siya sa Batang Quaipo dahil ang dami niyang hats na pine-play, nakapagpahinga siya kahit paano.

“Yun, blessed kami na kahit paano nagkaroon ng bakasyon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong din si Julia kung kailan sila uli gagawa ng proyekto ni Coco, “Abangan ninyo, marami kaming surprises ngayong 2024, so abangan ninyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending