WALANG PASOK: Malacañang sinuspinde klase, trabaho sa NCR, 6 probinsya

SINUSPINDE ng Malacañang ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at ang mga klase sa lahat ng antas sa National Capital Region, Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, at Zambales nitong Miyerkules ng hapon.
Ito ay dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Maymay at ng pinaigting na Southwest Monsoon.
Nagsimula ang suspensiyon alas-3 ng hapon noong Agosto 5, 2026, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 121 na inilabas ng Office of the President.
Ang kautusan ay ibinatay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Baka Bet Mo: Pax Silica hindi makaaapekto sa mga magsasaka —Malacañang
“Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services,” saad sa kautusan.
Samantala, maaaring magpatupad ang mga lokal na punong ehekutibo sa iba pang lugar ng lokal na kanselasyon o suspensiyon ng mga klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan kung kanilang ituturing na kinakailangan.
Ang suspensiyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kanilang mga namumuno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
