Alex Eala tumangging pirmahan bandera ng Pinas, umani ng papuri

UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagtanggi ng tennis superstar na si Alex Eala na pumirma sa bandera ng Pilipinas.
Mas lalong hinangaan ng mga Pilipino si Alex nang sawayin niya ang ilang fans at ipaalala sa mga ito kung ano ang mga bawal gawin sa Philippine flag.
Sa isang video na in-upload sa X, mapapanood ang mga supporters ni Alex na nagpapapirma ng iba’t ibang bagay matapos ang makasaysayan niyang panalo sa DC Open victory.
May mga fans na nagpa-autograph sa kanilang cap o sumbrero at mga tennis ball. Pero nang may mag-abot ng watawat ng Pilipinas, hindi ito pinirmahan ni Alex.
Sinaway at sinabihan niya ang naturang fan, “Bawal sa flag.”
Baka Bet Mo: Alex Eala walang kayabang-yabang: It’s not like I’m the queen of the world
View this post on Instagram
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa napanood na video ni Alex Eala:
“‘Bawal sa flag’ ignorance of the law excuses no one talaga… kudos alex.”
“She is a superstar in the making!!! Im proud ti be a Filipino! !!! i can stand to anybody and say Im a Filipino!!!”
“She knows bawal sa flag. There is a Philippine Flag Law.”
“I didnt knowww bawal sa flaggg, huhu Alexxxxxx the woman that u areeeeeeee!”
“Parang shunga lang gusto ipapirma yung flag hay naku buhay ibalik yan sa Elemenatary.”
“Humble, simple at may etiquette.”
“For some reasons, her class reminds me of Mikee Cojuangco. I’m so happy that her generation has her to look up to!”
“May breeding. May class. Alam ang batas. Kaya sure ako hindi DDS si Alex.”
Base sa Republic Act 8491 o mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines, ipinagbabawal ang paglalagay sa bandera ng Pilipinas ng “word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisements, or imprint of any nature.”
Bawal na bawal din ang anumang uri ng pagsira, paglapastangan at pagtapak sa Philippine flag sa pamamagitan ng anumang kilos na magiging dahilan ng pambabastos dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
