Pagkamatay ni Shuvee Etrata sa ‘The Master Cutter’ shocking; makatarungan ba?

IKINABIGLA at ikinalungkot ng manonood ang nakakalokang plot twist sa karakter ni Shuvee Etrata bilang Tonet sa GMA Prime series na “The Master Cutter.”
Mula sa pagiging nanay-nanayan ni Ibyang (Sienna Stevens) hanggang sa dream niyang maging jowa ni Atoy (Dingdong Dantes) ay talaga namang kinaaliwan ang kanyang karakter sa serye.
Kaya naman shookt ang lahat sa mga maiinit na eksena dahil nalaman na ni Tonet na si Janine (Erikka Laude) ay hindi tunay na anak ni Atoy kay Audrey (Max Collins).
Mula sa mga maaksyon na habulan, hanggang sa pagpapanggap na may sakit ay nauwi na nga sa pagkamatay ang karakter ni Shuvee sa serye.
Sey ng ilang netizens, si Tonet ang naging happy pill ng serye at gabi-gabi itong inaabangan.
“Still hoping na sana it’s just a story twist, na tinago muna sha until she can reveal the truth (p.s. gagaling ng mga artista ng MC, hats off!!),” ang comment ng isang viewer.
Tanong nga ng ilang fans, makatarungan ba ang ginawang pagpatay agad sa karakter ni Shuvee sa “The Master Cutter?” Oh, well, baka naman hanggang du’n na lang talaga ang role ng dalaga.
Baka Bet Mo: Shuvee Etrata nagbigay ng P10k sa restroom attendant
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa proyekto at karakter na ipinagkatiwala sa kaniya ng GMA.
Sey ni Shuvee, “Thank you so much sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa journey ni Tonet. Napakalaking bagay po sa akin ng proyektong ’to.
“Dito po ako natuto, nag-grow, at mas nakilala ko kung sino ako bilang artista. Daghan kaayo kog nakat-unan, and I know dadalhin ko lahat ng ’yon sa mga susunod ko pang gagawin,” aniya.
Narito naman ang post ng aktres at TV host sa kanyang Instagram page, “Thank you so much to everyone who followed and loved Tonet’s journey. This project means so much to me. It was here that I learned, grew, and got to know myself better as an actress.”
Todo rin ang pasasalamat niya kay Dong, “Thank you for being our Master Cutter! You didn’t just stitch us together on the show, but off-camera too. You really sewed us together.
“Thank you to everyone who watched! You always made us no. 1. Especially to my fellow Bisaya, thank you so much. And thank you, Netflix Philippines, for the love and support!
“Tonet became such a big part of me, and I’ll always be grateful that I got to tell her story.”
Puring-puri naman ni Dingdong ang naging performance ni Shuvee sa serye, “Seeing what she did with Tonette just proves she’s got so much more to offer as an actress.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
