Willie Revillame hina-handle na ng Viva, magkakaroon ng concerts sa ibang bansa? | Bandera

Willie Revillame hina-handle na ng Viva, magkakaroon ng concerts sa ibang bansa?

Reggee Bonoan |May 27,2023
facebook
share this

Willie Revillame hina-handle na ng Viva, magkakaroon ng concerts sa ibang bansa?

Reggee Bonoan - May 27, 2023 - 03:13 PM

Willie Revillame hina-handle na ng Viva, magkakaroon ng concerts sa ibang bansa?
ANG Viva na pala ang talent management ngayon ni Willie Revillame.

Ang sitsit ng aming source, “Viva is now handling Willie Revillame’s show on social media.”

Sa Viva raw nakipag-partner si Willie para sa “Wowowin” niya na ipalalabas nga sa social media at sila rin ang bahala sa concert series ng TV host sa ibang bansa.

Matatandaang siya ang nagma-manage sa sarili niya at siya ang direktang nakikipag-usap sa mga producer at direktor lalo’t co-producer siya tulad ng “Wowowin” sa GMA 7.

Hanggang sa nag-resign si Willie sa Kapuso network para sa ALL TV na siya ang pinamahala ni dating senador Manny Villar sa mga content, pero hindi nagtagal ay nagbitaw na rin si Willie.

Napapanood ang “Wowowin” sa FB Live kung saan siya nasusubaybayan ng kanyang supporters pero hindi naman naging regular na mula nang magbitiw siya sa ALL TV dahil nagpahinga ng ilang buwan.

Naibalita rin ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika na magkakaroon ng US tour si Willie simula ngayong Hunyo.

“Ang mamahala po ng ng kanyang US tour na ito ay ang Viva (si) Boss Vic del Rosario. At ako naman po ay saksi talaga sa mga nagtagumpay na konsyersto ni Willie Revillame sa iba’t ibang bansa,” kuwento ni ‘nay Cristy.

Dagdag ni Romel, “E kasi lagi ka namang kasama ‘nay sa ibang bansa.”

“Oo saka sa Amerika sa Las Vegas, Thomas and Mack Center (19,522 capacity) totoo po talagang pila ang mga Pilipino may dala silang mga bandera at talagang gabi palang nakapila na sila [para sa concert ni Willie]. Sold out po ang mga tickets ng Thomas and Mack.

“Nang magpunta naman sa Canada ay bibihira po talaga ang (mga) personalidad na nagko-concert ng Linggo ng gabi kasi kinabukasan ay may pasok. Bibihira po ang bibili ng ticket para manood.

Baka Bet Mo: Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay?

“Naglakas loob si Lala Aunor, si Maribel. Linggo ng gabi ginanap ang kanyang konsyerto Field to the Rafters (full pack) talaga po at ayaw nilang pumayag (producers) na merong backdraft kailangan 360 umiikot (muwestra ni nanay) ang venue.

“Talagang nagkaroon po ng pagkakataon na ang publiko ay yumakap ng matindi kay Willie Revillame at iyon pa rin ang hangad ko hanggang ngayon n asana itong US tour niya ay maging malaganap, matagumpay dahil tayo naman po ang hinahangad natin sa ating kapwa ay maganda,”balik-tanaw ni nanay Cristy sa naging concert tour ni Willie noon.

Sabi naman ni Romel, “tama lang ‘nay kasi doon malamig na lugar doon siya magsimula ulit ng malamig, fresh.”

Tuloy ng batikang manunulat at radio/online host, “kung palagay niya dito ay hindi kagandahan ang pananaw sa kanya (Willie) ng ating mga kababayan (ay) mangibang bansa muna siya kasi ‘yun palang mga staff niya (sa Wowowin) pinagpahinga muna niya, naiwan na lang daw si Bernadette ‘yung kanyang make-up artist at mayroong nakapagbalita sa akin na kaibigan na ang taba-taba ni Willie malaki ang tiyan, mahaba ang buhok, e, lahat naman ‘yan ay magagawan ng paraan, magpapagupit siya walang problema, mag-diet siya papaya na siya. ‘Wag siyang magbilad sa araw tulad ng ginagawa niya sa resthouse niya sa Mindoro, puputi siya.

“Kaya pag muli siyang humarap sa mga kababayan natin sa mga lugar na bibisitahin niya sa Amerika (ay) brand new Willie Revillame.”

Hirit naman ni Wendell ay matagal na raw hinihintay ang TV host sa Amerika, “ang tagal na, wala pang pandemic, e, hinihintay na siya ng mga tao ro’n.”

“Saka ang tao kapag may iniwan na bakas ay may babalikan. Ang personalidad po na natutunang mahalin ng publiko kapag humarap ulit sa kanyang mga tagahanga ay tatanggapin,” saad pa ni ‘nay Cristy.

Biglang hirit ni Romel Chika, “at saka isama na rin po ang lahat ng ngkakatampuhan ay nagkakabati rin naman.”

Wala sa loob ni ‘nay Cristy na napa-oo at biglang natigilan sabay tingin ng diretso kay Romel Chika na hindi malaman kung ngingiti o hindi na sinabayan pa ni Wendell ng ‘siyempre naman.”

Nagkatawanan ang tatlo at biniro ni Romel Chika na guest nila sa SNN si Willie.

“Willie Nepumuceno?” birong tanong ni ‘nay Cristy.

Umayon din ang subscriber ng SNN na si @IvyMacam, “Salamat tita Cristy kasi po pinatawad mo na si Willie Revillame. Tama po kYo na alisin ang galit sa puso. Para sakin isa syang mabuting tao and matulungin sa kapwa si Willie R. God bless!”

Mula rin kay @Michelle, “Willie always of help to people in need, It is good to know that he will be active again, more blessings . Thanks showbiz now na.”

Related Chika:
Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin: ‘Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo? Magbilangan tayo Willie Revillame!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending