Dingdong ‘di sasali sa MMFF 2024, hirit kay Charo: Grabe yung experience
BABAWI sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang mga anak sa darating na Christmas season kaya hindi sila sasali sa Metro Manila Film Festival 2024.
Parehong may bagong pelikula ang Kapuso celebrity couple na inaasahang ipalalabas this year pero hindi ito magiging entry sa MMFF ngayong taon.
Natapos na ni Dingdong ang shooting para sa pelikula nila ng award-winning veteran actress na si Charo Santos-Concio, na may working title na “Love After Love.”
View this post on Instagram
Mapapanood naman uli si Marian sa upcoming film na “Balota” na isa sa mga official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2024.
Ayon kay Dingdong, nagpapasalamat siya na nabigyan ng chance na makatrabaho si Charo Santos sa isang kakaiba at napapanahong pelikula.
“As in, grabe yung experience. Kakaiba si Ma’am Charo. Napakagandang experience for me.
“I am very grateful I was able to work with her in this lifetime,” ani Dingdong nang makachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media nitong nagdaang Friday.
Dagdag pa niya, “Siya yung tipong, kung ano nakikita mo sa TV. Ganoon siya ka genuine, bait at kahusay.”
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans
Ipinagmalaki rin ni Dong ang kuwento ng kanilang pelikula which is about the true meaning of friendship, and expect daw the unexpected.
“Plus, sa material na ganon kaganda. Sinulat at dinerek ni Irene. It was such a privilege,” sabi ng Kapuso Primetime King.
Nang tanungin kung may entry ba siya uli sa 50th MMFF, wala raw muna dahil gusto nilang i-enjoy muna ang holiday season kasama ang kanilang mga anak ni Marian.
“Babawi kami kina Zia and Sixto,” sey ni Dingdong na naging super busy nga last year dahil sa MMFF entry nila ni Marian na “Rewind,” na itinanghal nang highest-grossing Filipino movie of all time.
View this post on Instagram
Nakausap ng press si Dingdong last June 28 sa Manila Hotel kung saan ni-represent niya ang kanilang grupo na Aktor PH para pormal na ihayag ang nominasyon ni Vilma Santos-Recto bilang National Artist.
Aniya, ito na ang tamang panahon para kilalanin ang husay at talento ng Star for All Seasons” bilang isang haligi ng entertainment industry pati na rin ng mundo ng public service.
“The range of Vilma is unparalleled, ‘yung kanyang mga portrayals bring truth and authenticity to the screen, captivating audiences — not just in her generation but across generations.
“Yung impact ni Ate Vi is generational, across all season. Equal ‘yung pakiramdam mo sa kanya 10 years ago kumpara ngayon. Ito ‘yung tamang panahon sa aking pananaw,” paglalarawan ng aktor kay Ate Vi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.