Donnalyn binigyan ng award matapos makapasa sa 'March 2023 No Issue Challenge': 'Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi' | Bandera

Donnalyn binigyan ng award matapos makapasa sa ‘March 2023 No Issue Challenge’: ‘Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 06:56 AM

Donnalyn binigyan ng award matapos makapasa sa 'March 2023 No Issue Challenge': 'Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi'

Donnalyn Bartolome

MAY bagong “award” na namang natanggap ang controversial content creator at actress-singer na si Donnalyn Bartolome.

Nope! Hindi sa isang award-giving body naka-receive ng bonggang parangal ang sikat na YouTuber kundi mula sa isang nakakalokang public group sa Facebook.

Binati si Donnalyn ng mga netizens sa pagtatapos ng buwan ng Marso matapos i-announce ng FB account na Long Live Volunteers nitong nagdaang Biyernes, March 31, na binibigyan nila ng award ang dalaga “for passing the March 2023 No Isse Challenge.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


Ibig sabihin, lumipas ang isang buwan na walang isyu at kontrobersyang kinasangkutan ang dalaga kumpara nitong mga nagdaang buwan na halos araw-araw ay siya ang laging laman ng headlines sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Chito umaming sumablay sa concert ng Parokya ni Edgar sa L.A.: ‘Pangako, mas gagalingan namin next time at babawi kami’

Inasar pa ng mga miyembro ng nasabing grupo ang YouTuber dahil sa “proud moment” ng online sensation. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa “award” ni Donnalyn.

“Nag-STFU (shut the f*ck up) challenge na po kasi siya.”

“Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi.”

“The world is healing!”

“But wait, baka may last minute pa!”

“’Di mo sure, malay mo mag-trending ‘yan mamaya!”

“Congrats, Be!”

“Go girl!”

Kung matatandaan sa pagpasok pa lang ng 2023, umani ng sandamakmak na batikos ang kontrobersyal na motivational post ni Donnalyn patungkol sa pagbabalik ng mga Pinoy sa trabaho.

After a month, muling na-bash ang dalaga sa kanyang Facebook post na may konek sa pagbubuntis ng isang babae.

Comment ng isang fan sa isa niyang social media post, “Grabe sobrang ganda niyo po. Nakaka-insecure po talaga, lalo pag tumitingin na ako sa salamin after birth (sad face emoji).”

Hirit na sagot naman ni Donnalyn, “Mommy isipin mo nalang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis. Parang talo moko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan haaa. I’m sure maganda ka. Smile ka na yiiie.”

Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens kaya kaliwa’t kanang pang-ookray ang natanggap niya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Donnalyn sa natanggap na pang-asar “award” mula sa mga netizens.

Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome tinalakan ng madlang pipol, binansagang ‘Queen of Toxic Positivity’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending