Donnalyn Bartolome tinalakan ng madlang pipol, binansagang ‘Queen of Toxic Positivity’
HANGGANG ngayon ay marami pa ring nagre-react sa recent Facebook post ni Donnalyn Bartolome patungkol sa pagiging malungkot sa pagbabalik trabaho.
Talaga namang marami ang hindi natuwa sa post ng dalaga na tila ini-invalidate ng dalaga ang feelings ng ibang tao at tila sinasabi pa nitong “ungrateful” ang mga ito dahil lang sa nakaramdam ang mga ito ng lungkot sa pagbabalik trabaho matapos ang holiday season.
Sey ng netizens, si Donnalyn na raw talaga ang “Queen of Toxic Positivity” dahil hindi lang ito ang unang pagkakataon na tinaasan ng kilay ng madlang pipol ang mga desisyon niya sa buhay.
At hindi lang mga ordinaryong tao bagkus maging kapwa social media influencers niya ay nag-react sa kanyang trending Facebook post sa pagpasok ng taon.
Ilan sa mga kilalang personalidad na nag-react sa post ni Donnalyn ay sina Rhadson Mendoza, Janina Vela, at Rendon Labador.
Maging si Kuya Kim Atienza ay nag-comment dito.
Mahabang saad ni Rhadson, “Tama naman na maging grateful sa work. I’m always grateful sa work ko. At swerte ako may option ako mag Angkas o mag Grab kapag walang wala na talaga. Kung tutuusin hindi naman work ang nakakapagod, ‘yung byahe papunta at pauwi.
“Ang mali ay alisan ng moment yung mga tao na makapagsabi ng saloobin dahil buong buhay buka ay nagtatrabaho na sila. Buti sana kung lahat ng tao eh nagpa-poverty porn content na vlogger at kumikita ng malaki. Pero hindi lahat ng tao tulad mo Donnalyn.
Hindi lahat may privilege na katulad mo. Mahirap sabihin yan kung di ka araw-araw pumipila sa mrt, sa van or sumasakay man lang sa EDSA carousel. Ang lala ng pagka-toxic positivity mo. Hindi lang sayo umiikot ang mundo.”
Sey naman ng kapwa vlogger na si Janina Vela, “I understand Ate Donnalyn—pero sana maintindihan rin niya na hindi ganun ka simple para sa mamamayan na maghanap lang ng work na papakililigin ka. Some even struggle to find jobs with fair wages & work hours.
“Oo, kailangan natin maging grateful, pero valid mapagod at malungkot,” dagdag pa niya.
Banat naman ni Rendon sa post ni Donnalyn, Hindi ko to kilala pero paano umabot ng 16M followers yung ganito katanga? Hindi naman porket nalungkot ka ay hindi ka na grateful. Hindi ka kasi makakaramdam ng ‘saya’ kapag ang kinikita mo ay pang ‘survive’ lang sa pang araw araw. Basahin mo ulit para ma gets mo.”
View this post on Instagram
“To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy. They are blessed differently naman. A good wife? Beautiful kids? Good health? Iba iba ang blessings. Ibat iba din ang diskarte sa ibat ibang break sa buhay. Just my 2 centavos. Back to you guys,” sey naman ni Kuya Kim.
Related Chika:
Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.