KathDen movie hindi pang-MMFF 2024: 'May Vice Ganda na kasi'

KathDen movie hindi na ilalaban sa MMFF 2024: ‘May Vice Ganda na kasi’

Reggee Bonoan - May 20, 2024 - 02:43 PM

KathDen movie hindi na inilaban sa MMFF 2024: 'May Vice Ganda na kasi'

Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Alden Richards

ANG saya-saya ng supporters nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil mapapanood na nila ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye“, ang “Hello, Love, Again” sa Nobyembre 13, 2024.

Napaaga ang showing ng pelikula, produced by Star Cinema and GMA Films, na ang unang plano nga ay isasali  sa 50th year ng Metro Manila Film Festival.

Matatandaang nauna naming isinulat dito sa BANDERA noong Abril 1 na magkakaroon ng sequel ang pelikula ng KathDen at binanggit din naming sa Canada ito isu-shoot dahil ito ‘yung last frame ni Kathryn sa part 1 na plano niyang pumunta sa nasabing bansa.

Baka Bet Mo: Kathryn, Alden magtatambal ulit, gagawan ng sequel ang ‘Hello, Love Goodbye’?

Sakto naman na nag-ocular nga sina Direk Cathy Garcia-Sampana at nasulat ulit namin dito sa BANDERA noong Abril 16 dahil nag-post sa kanyang social media account ang dating staff ng Star Cinema na si Anilyn Tuco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dumalaw kasi sa bahay niya ang blockbuster direktor kasama ang producers na sina Carmi Raymundo at John Leo Garcia na binanggit niya sa caption ng larawan.

Kahapon, Linggo ay nagkaroon ng mediacon sina Kathryn at Alden kasama si direk Cathy para ianunsyo na tuloy na ang “HLA” at ipalalabas ito sa Nobyembre 13.

Binalikan namin ang aming source kung bakit hindi na ito ilalaban sa MMFF? Sagot niya, “Nabago ang plano, alam mo naman ang Star. Saka may Vice Ganda na,” sagot sa amin.

Sabi ni Direk Cathy, “Never naman pong naging pang-MMFF. Kanina ko lang po nalaman din ang playdate.”

Baka Bet Mo: Darryl Yap may pa-countdown na sa part 2 ng Maid In Malacañang; sino nga kaya kina Herbert at Phillip ang gaganap na Ninoy Aquino?

Sabi namin sa direktora ang unang plano ay MMFF but since may Vice Ganda movie nang ididirek ni Jun Robles Lana na kababalik lang galing sa ibang bansa ay ito ang tututukan ng Star Cinema at line producer naman ang IdeaFirst Company.

Malaking pelikula raw ang Vice Ganda na may working title na “The Breadwinner Is…” mula sa panulat nina Daisy Cayanan-Mejares at Jonathan James Albano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi pa inaanunsyo ng Star Cinema kung pang-Metro Manila Film Festival ang Vice Ganda movie pero mukhang sure na sure na nga ito.

At siyempre kaya hindi sabay ang KathDen at Vice movie ay para nga naman hindi mahati ang kita ng Star Cinema.

Going back to direk Cathy, gusto naming itanong kung may pressure ba sa kanya ang sequel ng “HLG” dahil kailangan niyang mapantayan at lampasan ang box-office record nitong P880.6 million base sa Google.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung kami ang tatanungin ay pabor kaming sa November 13 ipalabas ang pelikula ng KathDen dahil kung isasali ito sa MMFF 2024 ay baka hindi na mapansin ang ibang pelikulang kasali, kawawa naman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending