Kathryn, Alden may pagtatambalan ulit na pelikula?

Kathryn, Alden magtatambal ulit, gagawan ng sequel ang ‘Hello, Love Goodbye’?

Reggee Bonoan |April 01,2024
facebook
share this

Kathryn, Alden magtatambal ulit, gagawan ng sequel ang ‘Hello, Love Goodbye’?

Reggee Bonoan - April 01, 2024 - 04:59 PM

Kathryn, Alden magtatambal ulit, gagawan ng sequel ang 'Hello, Love Goodbye'?

Kathryn Bernardo, Alden Richards

ANG aga ng promo ng pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo!

Ang hindi kasi alam ng marami, ang pagdalo ni Alden sa nakaraang birthday party ni Kathryn kasama ang cast ng 2019 hit movie na “Hello, Love, Goodbye” ay nagsilbi ring testing ground kung positibo pa rin ang pagtanggap ng publiko sa tambalan ng dalawa.

Tagumpay naman ito kaya ang ending, napagdesisyunan ng Star Cinema bosses na gawan ng sequel ang nasabing pelikula na kumita ng P880 million worldwide.

Ang upcoming movie nina Alden at Kathryn ay ang magiging entry ng Star Cinema para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon na ang magdidirek ay si Cathy Garcia-Sampana with her same production staff.

Base rin sa bulong ng aming source, sa ibang bansa ang shoot ng  sequel film at sa pagkakatanda namin ay Canada ang nabanggit na next na pagtatrabahuan either ni Alden o Kathryn.

Baka Bet Mo: Kathryn, Alden kakaibang kilig ang hatid sa fans nang magsama uli sa yacht party

At speaking of box-office, na-curious tuloy kami kung bakit hindi sequel o prequel o kaya naman another Dingdong Dantes at Marian Rivera movie ang gawin ng nasabing production company for MMFF 2024?

Alam naman natin na ang pelikulang “Rewind” noong MMFF 2023 ang may hawak ng “highest-grossing film of all time” na base sa Wikipedia ay kumita ng P902 million.

Hindi kaya dahil gusto na ng ABS-CBN at Star Cinema na solo na nilang i-produce ang entry nila sa MMFF this year?

Nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na silent producer ng GMA 7 ang “Rewind” at hindi lang daw ito inilalabas.

Anyway, humingi naman kami ng feedback sa ABS-CBN executive tungkol dito, pero hindi na kami binalikan.

Going back sa Alden and Kathryn movie, walang nabanggit ang aming source kung sososyo ang dalawang bida sa sequel ng pelikula nila.

Pero sa pagkakaalam namin ay sumososyo talaga si Alden sa movie projects niya  sa pamamagitan ng MYRIAD Productions, tulad sa pelikula nila ni Julia Montes na “Five Break-Ups and A Romance” na co-produced ng Cornerstone Studios at GMA Pictures.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hintayin nalang natin ang update, bilang nagsabi na rin kami sa aming source na bigyan kami ng update kung co-prod si Alden sa sequel movie nila ni Kathryn for MMFF 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending