Alden durog ang puso sa pagpanaw ni Jaclyn Jose, namatayan uli ng nanay
DUROG na durog pa rin ang puso ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa nararamdamang sakit sa pagkamatay ni Jaclyn Jose.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang kanyang nanay-nanayan hindi lang sa mundo ng showbiz kundi maging sa tunay na buhay.
Feeling ni Alden, namatayan din uli siya ng isang ina dahil sa sobrang pagmamahal at pagpapahalaga na ipinaramdam sa kanya ng namayapang veteran actress.
“I lost someone special. Ang hirap. Para kong nanay iyan, eh. My heart aches like a son, because that was really how I felt. It was the same feeling I felt when I lost my real mom,” ang pahayag ng Kapuso star sa panayam sa kanya ng press sa burol ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.
Baka Bet Mo: Jennica rumesbak sa basher: Assuming at malisyosa ka! Mas marunong ka pa sa taong nahiwalay sa asawa!
Ramdam na ramdam din daw ni Alden ang pagturing sa kanya ng Cannes Film Festival Best Actress bilang isang tunay na anak noong nabubuhay pa ito.
View this post on Instagram
Kuwento pa ni Alden, “I invited her sa premiere night of ‘Family of Two’ (entry nila ni Sharon Cuneta sa 2023 Metro Manila Film Festival).
“She texted me, she was very happy with my performance and nakakatawa sabi noon ‘huwag mo kalimutan anak. Ako pa rin original (na nanay mo),” pag-alala pa ni Alden.
Aniya, nu’ng unang mabalitaan niya ang tungkol sa pagkamatay ni Jaclyn, hindi siya agad naniwala lalo pa’t sa social media lamang niya ito unang nabasa.
“I was scrolling through social media, I saw photos and posts from unofficial accounts about Tita Jane’s passing.
“I did not believe it. I stopped because there was a side of me afraid to confirm. But before I went to bed I got a text she passed. I didn’t reply. I was in denial,” lahad ng binata.
Baka Bet Mo: Epal na basher durog na durog kay Heart: UL*L…the only word your vocabulary can attain!
“The next morning I attended an early morning event. That moment, I looked at my phone, rhat was when it dawned.
“That’s when it got me really hard. I called Kuya Gab (Gabby Eigenmann). I told him how can I help you. ‘Nanay ko rin yun eh.’ ‘Yun pinakamasakit,” ang maluha-luhang pagbabahagi pa ni Alden.
Dalawang beses nagpunta ang aktor sa lamay ng kanyang nanay-nanayan para makiramay sa pamilyang naulila ni Jaclyn, kabilang na ang anak nitong si Andi Eigenmann.
View this post on Instagram
“Immediately I went here noong inaayos pa lang wake. Hindi ako umalis hanggang di ko nakita urn.
“That was a good three hours, I was not sure if I am going to make it another night. But God willing, I was able to say my piece tonight,” kuwento ni Alden.
Ano ang isa sa mga aral ng buhay na naituro sa kanya ni Jaclyn na hinding-hindi niya makakalimutan?
“Tinuruan niya akong magpasensya, maging hardworker. Isa siya sa rason kung bakit ko pinagbubutihan ang pag-arte ko sa industriya. She is an inspiration,” tugon ng Kapuso Drama Prince.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.