‘Cedie’ star Tom Taus naging nanay din si Jaclyn Jose, may pa-tribute
NANINIWALA ang dating child star na si Tom Taus na mapapasama sa history ng Philippine entertainment industry ang pangalan at legacy ni Jaclyn Jose.
Binigyang-pugay ni Tom ang y0umaong award-winning actress sa burol nito sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta, Quezon City.
Nakasama ng aktor at DJ si Jaclyn sa pelikulang “Cedie: Ang Munting Prinsipe” mula sa Star Cinema na ipinalabas noong 1996. Ito yung Pinoy movie version ng Tagalized anime series na “Cedie” na napanood sa ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Antoinette Taus naloka sa hindi mamatay-matay na isyung nanganak siya sa Amerika
Si Tom ang gumanap sa role na Cedie habang si Jaclyn naman ang nagbigay-buhay sa karakter ni Annie, ang nanay ng munting prinsipe.
Inalala ni Tom ang mga bonding moments nila noon ng premyadong aktres sa shooting ng “Cedie” at kung gaano ito kabait at ka-dedicated sa kanyang trabaho.
Feel na feel daw ng nakababatang kapatid ni Antoinette Taus ang motherly love ng aktres at ang pagiging maasikaso nito sa kanya noon at sa iba pang bata na nakasama sa naturang pelikula.
View this post on Instagram
“She’s very calming. She has a very soothing voice, a motherly voice. I really find comfort in her.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling
“She played my mom and she’s very kind to me,” ang pahayag ni Tom na 10 o 11 years old lang daw siya nang gawin nila ang “Cedie”.
Sabi pa ni Tom, sa dami ng “iconic roles at outstanding performances” ni Jaclyn sa ilang dekada niyang pamamayagpag sa showbiz, siguradong hinding-hindi na siya mawawala sa isip at puso ng sambayanang Filipino.
“She definitely won’t be forgotten. She’s gonna be going down to history as one of the most legendary actresses that we’ve ever had. Thank you for your work as well that you gave to our people,” sey pa ni Tom.
Pumanaw si Jaclyn Jose nitong nagdaang Sabado, March 2, matapos atakihin sa puso. Siya ay 60 years old.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.