Kathryn, Alden kakaibang kilig ang hatid sa fans

Kathryn, Alden kakaibang kilig ang hatid sa fans nang magsama uli sa yacht party

Ervin Santiago |March 31,2024
facebook
share this

Kathryn, Alden kakaibang kilig ang hatid sa fans nang magsama uli sa yacht party

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 01:52 PM

Kathryn, Alden kakaibang kilig ang hatid sa fans nang magsama uli sa yacht party

KAKAIBANG kilig at good vibes ang epek sa mga fans ng muling pagkikita at pagsasama nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Nangyari ang “reunion” ng Asia’s Multimedia Star at Box-Office Queen sa 28th birthday celebration ng Kapamilya actress kamakailan.

Kahit busy ay talagang naglaan ng panahon si Alden upang makasama sa party ni Kathryn na ginanap sa isang beach sa El Nido, Palawan (pag-aari nina Kath at Piolo Pascual).

Naroon din ang mga co-stars nina Alden at Kathryn sa blockbuster romantic-drama movie na “Hello, Love, Goodbye” na sina Lovely Abella, Kakai Bautista at Maymay Entrata.

Baka Bet Mo: Kasal nina Catriona at Sam hindi pa cancelled, Alden never naging 3rd party

Sa mga litrato at video na nakita namin sa social media, pinatunayan nina Alden at Kathryn na hanggang ngayon ay okay na okay pa rin ang kanilang relasyon as friends kahit matagal-tagal silang hindi nagkita.

May picture sila together na tila nag-uusap nang masinsinan habang nagkakasayahan ang lahat sa yacht party ni Kath.

Pinagpipiyestahan din ngayon sa socmed ang pagkanta ni Alden ng “Bakit Ngayon Ka Lang” na inihandog niya sa birthday celebrator.

Biro pa ng Kapuso superstar, hindi raw niya madalas ginagawa sa mga party pero para kay Kathryn ay game na game siyang nag-perform kasama ang kaibigan nilang si Kakai.

Hirit ni Alden, “Happy birthday, Kath. ‘Di ko ginagawa ‘to.”

Present din sa 28th birthday celebration ni Kathryn sina Jericho Rosales, Dominic Roque at ang sikat na fashion designer na si Mark Bumgarner.

Nauna rito, excited na raw si Alden na muling makatrabaho ang Kapamilya  Box-Office Queen at willing pa siyang ipag-produce ng pelikula ang dalaga.

In fairness, matagal nang nagre-request ang mga fans nina Alden at Kathryn na gawan na ng Star Cinema o GMA Films ng part 2 o sequel ang kanilang unang blockbuster film.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasabi na ni Alden sa panayam namin sa kanya at ng ilan pang members ng showbiz press na naghihintay lang siya ng tawag ng mga bossing ng Star Cinema at ABS-CBN Productions para sa next project nila ni Kathryn.

Feeling niya, napakarami pang pwedeng maging twists and turns ang kuwento ng “HLG” pero siyempre, desisyon pa rin ng Star Cinema kung itutuloy pa ang kuwento nina Joy and Ethan, ang mga karakter nila sa pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending