Kasal nina Catriona at Sam hindi pa cancelled

Kasal nina Catriona at Sam hindi pa cancelled, Alden never naging 3rd party

Pauline del Rosario |March 04,2024
facebook
share this

Kasal nina Catriona at Sam hindi pa cancelled, Alden never naging 3rd party

Pauline del Rosario - March 04, 2024 - 05:14 PM

Kasal nina Catriona at Sam hindi pa cancelled, Alden never naging 3rd party

Catriona Gray and Sam Milby, Alden Richards

POSIBLE pa rin talagang magkaayos at matuloy ang kasal ng engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Ito ang latest update ng showbiz insider na si Ogie Diaz at Mama Loi sa YouTube vlog nila na “Showbiz Update.”

“Ito na nga ang narinig ko. May mga supplier na hindi na naningil ng reservation, ng downpayment kasi alam nila, sure ball na ‘yung kasal. Kasal sa Australia at meron ding reception dito sa Pinas,” chika ni Ogie.

Patuloy niya, “So ‘yun ay mineeting meeting na nila, inayos na nila, kinoordinate na ‘yung mga suppliers. Pero ayun nga ang nangyari. Talagang hindi maiwasan ba.”

“Ngayong sinasabi ng Cornerstone na nire-resolve ‘yung isyu sa pagitan ni Catriona at ni Sam eh baka maayos ‘yan ‘diba at matuloy din ang kasal. Baka lang naman humihingi lang ng extension o ng palugit at pagkakataon at ito ay matutuloy din,” dagdag pa niya sa vlog.

Baka Bet Mo: Catriona Gray, Sam Milby magkasama, dedma sa isyung break na

Nakwento rin ni Mama Loi na may nasagap siyang source na sinabing hindi pa kina-cancel ang kasal ng dalawa.

“Ang narinig ko naman sa wedding supplier, ang pagkakaalam daw niya, postponed hindi cancelled [ang kasal],” sambit niya.

Kasunod niyan ay nabanggit ni Ogie ang aktor na si Alden Richards na itinuturong dahilan kaya nagkakaproblema sa relasyon sina Catriona at Sam.

Ayon kay Ogie, personal niyang nakausap si Alden nang magkasama sila sa isang event at nilinaw na walang kinalaman ang aktor sa nangyayari sa engaged couple.

“So kasalanan mo Alden?” tanong ni Ogie habang ipinapakita ang video ng kanyang interview.

“Wala po akong kinalaman sa mga balitang ‘yan,” deretsahang sagot ng Kapuso actor.

Wika pa niya, “Hindi po ako nakikiapid. Never ko pong ginawa ‘yan sa buong buhay ko.”

Follow-up question naman sa kanya ng showbiz insider, “Ano ang initial reaction mo ‘nung nalaman mong nadamay ka?”

Baka Bet Mo: Alden babu sa ‘linis-linis’ role, mas type ang marumi, bad boy, basagulero

Wika ni Alden, “Just to clarify and to clear, wala po akong kinalaman and anything that happens between the lives of the people that are parang connected romantically in showbiz that are friends of mine, wala po akong kinalaman doon.”

“Promise po. Mamatay na po ako,” giit pa niya.

Ani pa niya, “Pero sana din po at the end of the day, lahat ng may gusot na meron po between partners, maayos po eventually kasi you know, ang sagot naman talaga minsan talaga ay pag-ibig sa lahat ng mga misunderstandings.”

Nadawit ang pangalan ni Alden bilang third party umano sa engaged couple matapos makasama ang beauty queen sa isang ineendorsong produkto.

Magugunitang kumalat ang chika na hiwalay na raw sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na hindi na suot ng beauty queen ang kanyang engagement ring.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasundan pa ito nang mabanggit ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa sinasabing breakup ng engaged couple.

Pero agad namang nilinaw ng Cornerstone na hindi pa hiwalay ang dalawa, pero kasalukuyang inaayos ng dalawa ang problema sa kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending