Si Alden ang ugat ng chikang hiwalay na sina Sam at Catriona?

True ba, si Alden ang dahilan ng chikang hiwalay na sina Sam at Catriona?

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

True ba, si Alden ang dahilan ng chikang hiwalay na sina Sam at Catriona?

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 08:05 AM

True ba, si Alden ang dahilan ng chikang hiwalay na sina Sam at Catriona?

Catriona Gray, Sam Milby at Alden Richards

UMATAKE na naman ang mga tagapagpakalat ng fake news sa social media — ang latest victim uli – ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

May mga nagpapalutang kasi na si Alden daw ang dahilan kung bakit natsitsismis na naghiwalay na umano sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby.

Nilalagyan ng malisya ng mga netizens ang pagsasama ng award-winning Kapuso actor at ni Catriona sa isang endorsement na kanilang ginawa kamakailan.

Napag-usapan ang isyung ito sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute” kung saan nabanggit ni Nanay Cristy ang balitang nili-link si Alden sa fiancée ni Sam.

Baka Bet Mo: Alden wish pa ring magkaroon ng lovelife bago matapos ang 2021

Agad binasag ng veteran showbiz columnist at radio-TV host ang naturang tsismis at ipinagtanggol si Alden sa mga mapaggawa ng pekeng balita.

“Ito na naman tayo. Si Alden Richards, gagawan na naman ng isyu para putaktihin na naman,” simulang pahayag ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming sumusubaybay sa programa ang sumang-ayon sa premyadong TV host at nagsabi ring hindi sila naniniwala na may “something” sa pagitan ng Pambansang Bae at ng beauty queen.

Baka Bet Mo: Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

“Hindi rin ako naniniwala na si Catriona at Alden na ngayon. Siguro gusto lang mapag-usapan nitong kampo ni Catriona kaya si Alden na naman ang kinakalampag,” ang komento ng isang tagapanood ng “Cristy Ferminute.”

Ayon naman sa ilang netizens, hindi naman kapani-paniwala ang chikang si Alden ang rason kaya may tsismis na naghiwalay na sina Catriona at Sam. Porke nagsama lang sa isang project, may “something” na.

Magugunitang kumalat ang chika na hiwalay na raw sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na hindi na suot ng beauty queen ang kanyang engagement ring.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasundan pa ito nang mabanggit ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa sinasabing breakup ng engaged couple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending