Alden wish pa ring magkaroon ng lovelife bago matapos ang 2021 | Bandera

Alden wish pa ring magkaroon ng lovelife bago matapos ang 2021

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Alden wish pa ring magkaroon ng lovelife bago matapos ang 2021

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 08:58 AM

PATULOY pa ring umaasa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na ngayong 2021 ay darating na ang pinakahihintay niyang special someone.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Pambansang Bae na anytime this year ay magkakaroon na rin siya ng lovelife na magsisilbing inspirasyon niya para mas lalo pang magpursigi sa buhay.

Actually, isa ang pagkakaroon ng girlfriend sa mga nais ma-achieve ng Kapuso heartthrob ngayong 2021. Talaga raw gusto na niyang magkaroon ng lovelife dahil matagal na nga naman siyang single.

Kinumpirma nga yan ni Alden kay Cassy Legaspi nang makapagchikahan sila sa isang segment ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” nitong nagdaang Sabado.

Tinanong kasi ng Kapuso TV host-actress si Alden kung ano ang tatlong bagay na nais niyang ma-achieve this year.

Diretsong tugon ni Alden, “Build my own house, do an international project, at saka find that someone.”

Actually, nang huli naming makausap ang Pambansang Bae sa pagpasok pa lang ng 2021, talagang wish na niya na magkaroon na ng dyowa para dagdag inspirasyon nga naman sa Bagong Taon. 

Natanong din si Alden kung ano ang best advice na nakuha niya mula sa isang taong malapit sa kanya, “I don’t want to name this person, pero kilala niyo kung sino siya.

“Sabi niya, kung ano man ang nasimulan ko, ituloy ko lang kasi I am on the right track. Alam mo ‘yan kung sino ka, thank you,” sabi pa ng binata.

Sinagot din ng Kapuso Drama Prince kung bakit nga ba gaming ang naging favorite “me time” niya nitong mga nagdaang taon.

“‘Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world.

“Kasi sometimes us, we’re celebrities, we appear on TV, we sometimes get stuck in a certain reality na tayo tayo lang magkakasama e,” paliwanag pa ng aktor.

Katwiran pa niya, “We need something that can pull us out. Ibang world naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, malapit na uling mapanood si Alden sa upcoming Kapuso series na “The World Between Us” kung saan makakasama niya uli si Jasmine Curtis-Smith at ang fiancé ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending