Kathryn, Alden nagpaalam na: This is Joy, and this is Ethan, signing off!
TULUYAN nang namaalaam sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa kanilang mga karakter sa record-breaking na “Hello, Love, Again” bilang sina Ethan at Joy.
Ibig sabihin, wala na talagang part 3 ang kanilang pelikula mula sa Star Cinema at GMA Pictures na patuloy na humahataw sa takilya hanggang ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Finally, nag-sign off na nga sina Joy at Ethan mula sa itinuturing na ngayong top-grossing Filipino movie of all time mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Feeling thankful and grateful sina Kathryn at Alden sa mega success na tinatamasa hanggang ngayon ng kanilang pelikula.
“To everyone who joined us in this journey, know na hindi namin makakalimutan ang experience na ito as much as you guys are to it also,” sey ni Alden sa panayam ng “24 Oras Weekend”.
Baka Bet Mo: Alden dream come true ang part 2 ng ‘HLG’: Parang panaginip lang!
Ayon naman kay Kathryn, abot-langit ang pasasalamat ng buong production sa lahat ng sumuporta at nanood sa “Hello, Love, Goodbye” at sa sequel nitong “Hello, Love, Again”.
“Hindi namin ito magawa nang wala ‘yung suporta na iyon and that support motivated us and kept us going,” ayon kay Kathryn.
At sabay na pamamaalam ng KathDen kina Joy at Ethan sa sambayanang Filipino, “This is Joy, and this is Ethan, signing off!”
Samantala, gumawa na naman ng bagong kasaysayan ang pelikula matapos itong magkaroon ng special VIP screening at thanksgiving party sa Taguig City with showbiz and political personalities.
Present sa special screening si First Lady Liza Araneta-Marcos, Senate President Chiz Escudero, at iba pang mambabatas at government officials.
“It’s kind of like a happy cry, a fulfilled cry because parang na-realize ni First Lady ‘yung home niya is ‘yung husband niya. The film resonates with a lot of people in different ways,” sey ni Alden.
“Sabi niya it was a good kind naman so na-enjoy niya ‘yung journey ni Ethan at Joy. And then she also mentioned na napanood niya rin ‘yung first part,” dagdag ni Kathryn.
Lahad pa ng Asia’s Multimedia Star, “We’re very grateful din naman talaga na mas nabibigyan tayo ng support ngayon, ng ating government when it comes to the entertainment industry.”
Showing pa rin hanggang ngayon ang “Hello, Love, Again” sa mahigit 300 cinema sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.