Alden dream come true ang part 2 ng ‘HLG’: Parang panaginip lang!
DREAM come true kung ilarawan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang muli nilang pagtatambal sa pelikulang “Hello, Love, Again.”
Ito ang part 2 ng kanilang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” na nangwasak ng record sa kasaysayan ng Philippine movie industry noong 2019.
Masusundan na ang love story nina Ethan at Joy (Alden at Kathryn) sa “Hello, Love, Again” na muling ididirek ni Cathy Garcia-Sampana at magiging unang collaboration naman ng Star Cinema at GMA Pictures.
Baka Bet Mo: Kathryn, Alden bibida sa ‘Hello, Love, Again’ ng Star Cinema, GMA Pictures
“Parang panaginip, kaming lahat po hindi po kami makapaniwala na finally it’s happening this year.
View this post on Instagram
“We couldn’t be more excited on what’s to unfold in the next couple of months pero maraming, maraming salamat po sa inyo na nandito ngayon,” ang pahayag ni Alden sa naganap na announcement kahapon para sa “Hello, Love, Again.”
“What excites me even more is this is the first collaboration of Star Cinema and GMA Pictures in a film. We couldn’t be happier. Talagang tuloy-tuloy na ‘yung collaboration,” dugtong ng Asia’s Multimedia Star.
Talagang looking forward daw si Alden na magkaroon ng sequel ang “HLG” para muli silang magkatrabaho ni Kathryn.
Baka Bet Mo: Alden ready nang gawin ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nila ni Kathryn: ‘Anytime!’
“Hinintay ko rin siya, after seeing the film over and over again, yung pangarap na yun nasa puso ko lang in the past five years. Finally, dreams do come true talaga,” sey ng binata.
Iikot ang kuwento ng “Hello, Love, Again” five years after na mag-goodbye si Joy (Kathryn) kay Ethan (Alden) sa Hong Kong para ituloy ang matagal na niyang pangarap na magtrabaho sa Canada.
Makalipas ang mahabang panahon, muling pagtatagpuin ng tadhana sina Joy at Ethan sa Canada. Ang tanong, magkaroon na nga kaya ng happy ending ang kanilang love story this time?
View this post on Instagram
Ayon kay Kriz Gazmen, head ng Star Cinema, base sa inilabas na ulat ng Deadline, “Star Cinema has always been passionate about capturing the stories of our overseas Filipino workers in the big screen, to pay tribute to their sacrifices, grit and resilience to be able to provide for their families.”
“Hello Love Again is born out of that same passion, and this time, focusing on the lives of the Filipinos in Canada.
“This also marks the beginning of our beautiful collaboration with GMA Pictures, who share the same passion with us in telling stories for the Filipino audience worldwide,” aniya pa.
Sey naman daw ni Direk Cathy, “I am as excited as all of you perhaps, to find out what Joy and Ethan had gone through after Hello, Love, Goodbye and will be going through in Hello, Love, Again.”
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide ang “Hello, Love, Again” sa November 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.