Catriona, Sam may pinagdaraanan, inaayos ang mga isyu

Catriona Gray, Sam Milby may pinagdaraanan sa relasyon, ano’ng isyu?

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

Catriona Gray, Sam Milby may pinagdaraanan sa relasyon, ano’ng isyu?

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 02:03 PM

Catriona, Sam may pinagdaraanan, inaayos ang mga isyu

TOTOONG may pinagdaraanan ngayon ang engaged couple na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby.

Kinumpirma ng Cornerstone Entertainment, ang talent management, sina Sam at Catriona, na ginagawa nila ang lahat para maayos kung anuman ang kanilang mga problema.

“We at the Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gra, would like to address the recent rumors surrounding their relationship,” ang bahagi ng official statement ng Cornerstone na pag-aari ni Erickson Raymundo.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

Baka Bet Mo: True ba, si Alden ang dahilan ng chikang hiwalay na sina Sam at Catriona?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shone support for the couple,” ang kabuuang pahayag ng talent management ng celebrity couple.

Nauna rito, kumalat ang chika na hiwalay na raw sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na hindi na suot ng beauty queen ang kanyang engagement ring.

Nasundan pa ito nang mabanggit ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa sinasabing breakup ng engaged couple.

Nadamay pa nga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa umano’y breakup nina Cat at Sam.

May mga nagpalutang kasi na si Alden daw ang dahilan kung bakit natsitsismis na naghiwalay na umano sina Catriona at Sam.

Nilalagyan ng malisya ng mga netizens ang pagsasama ng award-winning Kapuso actor at ni Catriona sa isang endorsement na kanilang ginawa kamakailan.

Napag-usapan ang isyung ito sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute” kung saan nabanggit ni Nanay Cristy ang balitang nili-link si Alden sa fiancée ni Sam.

Agad binasag ng veteran showbiz columnist at radio-TV host ang naturang tsismis at ipinagtanggol si Alden sa mga mapaggawa ng pekeng balita.

“Ito na naman tayo. Si Alden Richards, gagawan na naman ng isyu para putaktihin na naman,” simulang pahayag ni Nanay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming sumusubaybay sa programa ang sumang-ayon sa premyadong TV host at nagsabi ring hindi sila naniniwala na may “something” sa pagitan ng Pambansang Bae at ng beauty queen.

“Hindi rin ako naniniwala na si Catriona at Alden na ngayon. Siguro gusto lang mapag-usapan nitong kampo ni Catriona kaya si Alden na naman ang kinakalampag,” ang komento ng isang tagapanood ng “Cristy Ferminute.”

Ayon naman sa ilang netizens, hindi naman kapani-paniwala ang chikang si Alden ang rason kaya may tsismis na naghiwalay na sina Catriona at Sam. Porke nagsama lang sa isang project, may “something” na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending