Alden babu sa ‘linis-linis’ role, mas type ang marumi, basagulero
PAHINGA raw muna sa mga “goody-goody” at “linis-linisan” role sa mga teleserye at pelikula ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Nag-yes agad ang award-winning Kapuso matinee idol nang ialok sa kanya ng mga bossing ng GMA 7 ang isa sa mga challenging role sa historical action-drama series “Pulang Araw.”
Nang malaman daw niyang bad boy at basagulero ang magiging karakter niya sa naturang teleserye ay hindi na siya nagdalawang-isip dahil isa raw ito sa mga dream project niya.
“Madumi, bad boy, basagulero. Ang nagustuhan ko kasi rito noong pinresent siya sa akin, ‘Madumi ka rito.’ ‘Okay po!” ang pahayag ni Alden sa panayam ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, February 24.
Baka Bet Mo: Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?
“Tama na tayo sa goody goody, linis-linis,” ang dugtong na chika pa ng Pambansang Bae.
Sa isang hiwalay na panayam, inilarawan ni Alden ang kanyang role bilang isa sa pinakamahirap na ginawa niya mula nang pumasok siya sa showbiz.
View this post on Instagram
“Ang hirap kasi nu’ng salita. Napakahirap nu’ng mga salitang binibigkas noong araw dahil hindi ‘yun ang kasalukuyang salitang ginagamit natin sa pang-araw-araw.
“Malalim tsaka may shortness of breath eh. Mahangin ‘yung malalim na salitang Tagalog nu’ng araw pero masarap siya gawin,” aniya.
Dagdag pa niya sa konsepto ng serye, “Ito ‘yung pagma-materialize kasi ng kwento ng lola ko noong bata ako because my grandparents are World War 2 babies and we are at the setting of the Japanese occupation dito sa Pilipinas, so napakahirap ng buhay noon.
Baka Bet Mo: Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato
“We owe a huge debt of gratitude dito sa mga taong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas during those moments,” sabi pa ng binata.
In fairness, sa mga teaser pa lang ng “Pulang Araw” na tatalakay sa mga naging kaganapan sa Pilipinas noong sumiklab ang World War II, ay talagang na-curious na ang mga manonood.
Ka-join din sa cast ng serye sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco. Gaganap sina Barbie at Sanya bilang magkapatid sa labas na sina Adelina at Teresita, na bodabil stars.
Bibigyang-buhay naman ni Alden ang karakter ni Eduardo, na kapatid din sa labas ng karakter ni Barbie, na may dugong Amerikano. Isang sundalong hapon naman ang gagampanan ni David.
Ang “Pulang Araw” ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata at isinulat ni Suzette Doctolero. Isa ito sa mga bonggang pasabog ng GMA ngayong Year of the Wood Dragon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.