Kathryn super enjoy sa yacht party kasama sina Alden, Joshua

Kathryn super enjoy sa yacht party; Alden, Joshua, Dominic agaw-eksena

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

Kathryn super enjoy sa yacht party; Alden, Joshua, Dominic agaw-eksena

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 12:10 AM

Kathryn super enjoy sa yacht party; Alden, Joshua, Dominic agaw-eksena

Kathryn Bernardo, Alden Richards, Kakai Bautista, Maymay Entrata at Jericho Rosales

TALAGANG in-enjoy ni Kathryn Bernardo ang kanyang 28th birthday celebration kasama ang mga mahal niya sa buhay at ilang malalapit na kaibigan.

Idinaos ang yacht party kahapon, March 26, sa Isla Amara Resort sa El Nido, Palawan na pag-aari nila ni Piolo Pascual.

Sa mga nakita naming mga photo at video sa X (dating Twitter) na in-upload ng mga bisita ni Kathryn, talagang maligayang-maligaya ang Kapamilya actress at Box-Office Queen sa kanyang selebrasyon.

May isang video kaming napanood kung saan sinorpresa ng staff ng resort si Kathryn ng birthday cake at ng paborito niyang bouquet of flowers.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Siyempre, kahit paano’y umasa ang mga loyal KathNiel fans na makikita nila sa beach birthday party ni Kathryn ang dati niyang boyfriend na si Daniel Padilla pero base sa mga social media post ng mga um-attend sa celebration ay mukhang wala nga si DJ.

Ilan sa mga spotted sa yacht party ni Kath ay sina Alden Richards, Dominic Roque, Jericho Rosales, Maymay Entrata at ang fashion designer na si Mark Bumgarner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)


Naroon din si Kakai Bautista, ang asawa ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez, at ang mga kaibigan ni Kath na sina Joshua Garcia at Jericho Rosales.

Baka Bet Mo: Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa ‘hemorrhage’

Ayon sa mga fans and supporters ni Kathryn, ngayon lang daw nila uli nakitang super happy ang dalaga kaya feeling nila talagang naka-move on na siya nang bonggang-bongga sa breakup nila ni Daniel.

Nitong midnight ng March 26, ang eksaktong kaarawan ni Kathryn, hindi siya nakalimutang batiin ni Daniel ng “happy birthday” sa pamamagitan ng Instagram in Japanese characters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong November, 2023 sabay na in-announce nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup matapos ang 11 years nilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending