Piolo Pascual may ‘religious’ streak; tuloy-tuloy pa rin ang swerte
MUKHANG nasa “religious” streak ang Ultimate Leading Man at award-winning actor na si Piolo Pascual.
Nagmarka si Piolo bilang Fr. Severino Mallari sa high-grossing film at isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Mallari“.
Kasabay nito, gumanap din siya bilang Padre Pedro Pelaez sa isa pang MMFF 2023 entry na “Gomburza” na pinagbidahan nina Cedrick Juan, Enchong Dee at Dante Rivero.
At ngayon naman, bibida uli siya sa upcoming Kapamilya series na “Pamilya Sagrado na ang English translation mga ay “sacred.”
Ito’y isang proyekto ng Dreamscape Entertainment, kung saan tampok din sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Aiko Melendez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, at Shaina Magdayao.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales
Kabilang din sa cast ang mga young actors ng ABS-CBN na sina Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Alyanna Angeles, River Joseph, Iana Bernandez, Mark Manicad, Valentino Jaafar, Micaela Santos, Austin Cabatana, Dustine Mayores, JC Galano, Rocky Labayen, John Joven Uy, Ron Angeles, Miggs Cuaderno at Emilio Daez.
View this post on Instagram
Tila walang kapaguran ang aktor at producer dahil sa sunud-sunod niyang mga proyekto sa TV at pelikula. Pinaninindigan talaga niya ang naging pahayag niya na wala siyang balak mag-slow down sa kanyang career.
Baka Bet Mo: Sino nga ba ang ‘ultimate leading lady’ ni John Lloyd Cruz?
“I don’t see any sign of slowing down, you know. I’m excited with what Cornerstone (talent management niya) has in store for us this coming year. Sumasabay kasi sila, e.
“So, we’re not stuck which is doing TV, soaps, films, concerts, events. Anything that has to do with content. Kasi, there is a demand for, there is a vacuum for it.
“So we wanna take advantage of that. That’s why we hire more creative people and in turn, we get to become more challenged and to really raise the bar para naman hindi tayo nahuhuli sa game,” pahayag ni Piolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.