Kyline sa kandungan video nila ni Kobe: I don't need to explain

Kyline sa ‘kandungan’ video nila ni Kobe: I don’t need to explain myself

Ervin Santiago - August 29, 2024 - 10:00 AM

Kyline sa 'kandungan' video nila ni Kobe: I don't need to explain myself

Kobe Paras at Kyline Alcantara

FEELING ng Kapuso actress at host na si Kyline Alcantara ay wala siyang dapat na ipaliwanag sa publiko tungkol sa viral “kandungan” video nila ni Kobe Paras.

Pinagpiyestahan ngayon ng mga Marites sa social media ang kumalat na TikTok video kung saan prenteng-prenteng nakakandong si Kyline kay Kobe kasama ang kanilang tropa.

Makikitang kumakanta si Kobe sa tila videoke session ng kanilang barkada habang nakakandong nga sa kanya si Kyline na kilig na kilig sa panghaharana sa kanya ng basketball player.

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

Sa isang bahagi ng video ay hinalikan pa ni Kobe sa balikat ang aktres.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanilang napanood – may napa-sana all sa kaswitan ng magdyowa pero meron ding na-turn off at nagsabing bumigay na raw si Kyline dahil first time nila itong nakita sa ganoong “posisyon.”

Pero nang matanong ang dalaga sa panayam ng “24 Oras” kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Kobe ay todo tanggi pa rin ito sa pagsasalita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)


Sey ni Kyline, karapatan niyang tumanggi at huwag magpaliwanag sa publiko tungkol sa kanyang lovelife.

“I feel like it’s my right to not answer or to answer questions…to deny nor confirm anything,” pahayag ni Kyline.

Baka Bet Mo: Kyline sa ‘relasyon’ nila ni Kobe: It’s a different feeling!

Dugtong pa niya, “I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see is that’s what they’re gonna get.”

Naniniwala rin ang Kapuso star na mas okay kung siya lang at ang pamilya niya ang nakakaalam sa mga nangyayari sa kanyang personal life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras…I feel like I don’t owe the public any explanation naman po,” katwiran pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending