May ‘nagalit’ ba sa ‘kandungan’ scene nina Heaven at Ian sa ‘Nanahimik Ang Gabi’?
HINDI nakaramdam ng ilangan sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo habang ginagawa nila ang kanilang mga intimate scenes sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi.”
Sa ginanap na mediacon para sa nasabing pelikula na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2022, ipinalabas ang ilan sa mga pamatay na eksena nina Ian at Heaven, pati na ng kontrabidang si Mon Confiado.
Kabilang na nga riyan ang swimming pool scene ni Heaven with her skimpy swimsuit, ang paghuhubad niya sa harap ni Ian, at ang nakakalokang eksena nila ni Mon sa loob ng kwarto at sa ilalim ng kama.
Sa presscon, natanong si Ian kung may naramdaman bang hesitation si Heaven sa halikan at love scene nila sa movie? “Hindi, e. Wala. Nasa mode ako nu’ng Chief, e. So, yung character ko, medyo dark talaga na malisyosong ano, e…
“So, wala. Kahit kumandong siya or ano, nandu’n din ako sa mode na in character din, e. Saka siya, kumakandong naman siya not as Heaven, e. Nakikita ko, si Me-ann.
“Yun, sakto sa karakter niya. Kaya din siguro wala kaming ilangan. Kasi alam namin, malinaw sa amin pareho, we’re both in character,” paliwanag ng aktor.
View this post on Instagram
Chika pa ni Ian, “Actually, sexy yung movie in terms of psychological. And yun nga, it’s medyo twisted in many ways.
“Kita niyo naman yung handcuffs, yung mga ganu’ng scenes, saka yung mga swimsuit scenes ni Heaven. Nakaka-excite kung ano ang magiging reaction ng mga manonood. Pero yung iba kasi, parang halu-halo, e.
“Yung iba, puwede mong isipin, ‘Ay! Naku, they’re promoting sex!’ Yung others naman, sasabihin nila, ‘Oh, it’s good, they’re pointing out certain things na mali sa society.’ Yung ganu’n.
“So, iba-iba sila. Until mapanood nila yung buong pelikula, saka lang natin makikita yung feedback,” paliwanag ni Ian.
Inamin naman ng aktor na tuwang-tuwa siya na nakapasok uli siya ng sinehan kung saan ginanap ang mediacon at special preview ng “Nanahimik Ang Gabi”.
“Matagal akong hindi nakapasok sa sinehan. Iba pa rin talaga pag ganyan ka-big screen kahit na snippet lang ang pinanood natin.
“Parang nakakatuwa lang na eto, ganito, ang dami natin dito sa loob uli ng sinehan. And hopefully, mag-translate iyon sa Metro Manila Film Fest na magbalik-sine ang mga tao talaga. Kasi, iba! Iba talaga pag big screen,” aniya.
Dagdag pa niyang chika tungkol sa pelikula, “It’s not a movie that promotes, for example, violence. It’s actually pointing out certain things na parang…katulad nu’n, napakarami nating kilala na may sugar daddy, sugar mommy, sugar ganyan.
“Pero sa society natin, parang naging okay na, naging tanggap na, di ba? Pero sa totoo, yung mga anak ba natin, gusto ba nating maging sugar baby? Sugar daddy, sugar, you know. Yung mga ganu’n.
“So, ang daming mai-introduce na mga tanong din sa sarili natin pagkatapos nating mapanood ito.
“Saka yung mga bagay na, yun nga, hanggang kailan tayo mananahimik sa mga certain moral issues? At saka iku-question yung values natin.
“So, yun yung start ng buong project na ito nung nabasa namin lahat ang script. Talagang, wow! Saka ang hirap hulaan kung saan papunta kaya excited kami ipakita sa lahat,” pagmamalaki pa ni Ian sa kanilang MMFF 2022 entry.
Ang “Nanahimik Ang Gabi” ay mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico under Rein Entertainment.
Ian Veneracion hindi takot mamatay: ‘I don’t have issues with death’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.