Ian Veneracion hindi takot mamatay: 'I don’t have issues with death' | Bandera

Ian Veneracion hindi takot mamatay: ‘I don’t have issues with death’

Alex Brosas - October 27, 2022 - 04:28 PM

Ian Veneracion hindi takot mamatay: 'I don’t have issues with death'
MAY revelation si Ian Veneracion nang solo naming siyang makapanayam sa presscon ng pinagbibidahan niyang series na “One Good Day” na produced by Studio Three Sixty at mag-i-stream exclusively via Prime Video starting November 17.

Hindi pala takot mamatay si Ian. Ang feeling niya, secured na ang kanyang buong pamilya at nagawa na niya ang lahat sa showbiz.

When we asked him kung ano pa ang hindi niya napu-fullfill, ang agad niyang sagot ay, “Nothing that’s why I don’t have issues with death.”

“I am so happy that I’ve contributed three beautiful and kind human beings, my kids. I’ve met so many people I’ve met the most beautiful human beings inside and out sa trabaho ko,” paliwanag niya.

Apat na dekada na si Ian sa showbiz. Nagsimula siya sa sitcom na “Joey and Son” na pinagbidahan ni Joey de Leon. He was six years old then.

Nang matanong namin kung ang ang isa sa highlight ng career niya ang gusto niyang balik-balikan, ito ‘yung eksena niya with Joel Torre as his father, Gina Alajar as his mom and Charito Solis as his tita with Peque Gallaga as director. The movie was “Hiwaga Sa Balete Drive”.

“I was 13 and I was surrounded by these masters of their craft,” say niya.

Isang magandang eye-opener ang eksenang iyon dahil marami siyang natutunan.

“Nakita ko how they take their jobs seriously. ‘Ay, hindi pala pa-cute ang pag-aartista. Akala ko pa-cute lang. That opened my eyes that day, I said, ‘I want this job, this self-exploration thing.’ That changed me a lot,” say niya.
Ian described journey in showbiz as “very colorful, super lucky, full of luck.

“Nothing was planned. Me, being an actor, was never planned. And me being busier now than I ever were. I am way past that prime age. I enjoyed my career more now I am enjoying it. Walang plano doon, walang formula,” paliwanag niya.

Ipalalabas ang “One Good Day” hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Laos, Cambodia and Taiwan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1)

* * *

Director Joel Lamangan denied with seeming vehemence na ‘yung pelikulang kanyang ginagawa sa kasalukuyan, “Oras de Peligro” ay sagot niya sa blockbuster movie na “Maid In Malacañang” na obra ni Darryl Yap.

“Matagal ko nang inambisyon na magkaroon ng pelikula na kagaya nito bago pa ang “”Maid In Malacañang”. Hindi po ito sagot sa “Maid In Malacañang”. Wala po akong intension na sagutin ang “Maid In Malacañang”, paliwanag ni direk Joel sa presscon ng “Oras de Peligro”.
“Ang aming pelikula ay nagsasalamin ng katotohanan na nangyari noong 1986, ‘yung apat na araw ng Pebrero noong 1986. Ito po ay talagang ginawa upang sabihin ang katotohanan noong 1986,” dagdag pa niya.

“Ang ikinatatakot ko po at ng mga kasama ko, baka wala nang makaalam kung ano talaga ang nangyari kapag hindi natin gamitin sa pelikula at telebisyon kung ano ang nangyari.

“Ang sining ay dapat nagmumulat. Ang sining ay dapat nagsasabi ng totoo. Ang sining ay dapat at nagsisilbi sa interest ng marami,” paliwanag pa ng premyadong director.
Sa tanong kung bakit natagalan ang paggawa ng ganitong movie, ito ang sagot ni direk Joel, “Hindi madaling gumawa ng pelikulang kagaya nito. Hindi ito ipo-produce ng sinumang mainstream producer. Bakit? Dahil takot sila na mag-produce ng ganitong uri ng pelikula. Kaya kami aynakatagpo ng grupo na nagnanais magsabi ng katotohanan.”
Bida sa movie sina Cherry Pie Picache with Allen Dizon, Therese Malvar, Dave Bornea, Jim Pebanco, Gerald Santos, Ellora Espano, Mae Paner, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Nanding Josef, Apollo Abraham and Alvi Siongco. It is produced by Atty. Howard Calleja for Bagong Siklab Promotions Corporation.

Related Chika:
Ian Veneracion sa pagsabak sa politika: Gusto kong mag-ipon ng kaibigan, hindi kaaway…OK na ako sa simpleng buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ian Veneracion bumilib sa galing nina Rabiya Mateo at Andrea Torres: Masaya silang katrabaho!

Ian Veneracion ikinumpara kina Liam Neeson at Keannu Reeves, kering-keri pa ring makipagbakbakan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending