Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda? | Bandera

Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?

Ervin Santiago |November 06,2022
facebook
share this

Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?

Ervin Santiago - November 06, 2022 - 08:27 AM

Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?

Ian Veneracion

GAME na nga ba ang seasoned actor na si Ian Veneracion sa paghuhubad at pagpapaseksi sa mga teleserye at pelikula?

In fairness, kahit medyo nagkaedad na ay napakarami pa ring nagpapantasya at nahuhumaling na mga kababaihan at kabadingan sa kakisigan at kagwapuhan ni Ian.

Sa edad niyang 47, ay napanatili pa rin ng aktor at singer ang kanyang pagiging “matinee idol” at “hot daddy”.

Maraming rebelasyon si Ian sa bagong YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, isa na nga rito ang tungkol sa posibleng paggawa ng sexy movie at pakikipag-love scene.

“Kung gaano ako ka-ready nu’ng kabataan ko, which was hindi ready, ganu’n pa rin,” ang pagbabahagi ni Ian habang tawa nang tawa.

Dagdag pa niya, “Ikaw naman nalagpasan ko nga ‘yung mga season dati, ST (sex trip), ‘yung mga ganu’n, nalagpasan ko na nga. Alangan naman na ngayon pa ako magpa-sexy parang nakakahiya naman.”

Natanong din ang aktor kung anu-ano ang mga ginagawa niya at hanggang ngayon ay super gwapo pa rin siya at pa-yummy pa na siyang kinahuhumalingan ng kanyang fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1)


“Siguro ‘yung utak ko tumigil na sa 16, totoo. Kung paano ako noon, pati ang kakulitan ko at pati kapilyuhan, I think it’s the same. Kaya niloloko ko nga ang panganay ko na mas mature na siya sa akin ngayon.

“Hindi ko talaga nararamdaman ang edad ko. Kahit sa basketball o sa football, sa jiu jitsu, nakakalimutan ko palagi ang edad ko.

“Ang mga anak ko ang laging nagpapaalala, ‘o kaya mo ba?’ Ako, ‘bakit?’ ‘You’re not in your 20s.’ Pero kapag ginawa ko wala naman, wala talaga akong nararamdaman pa. I don’t feel my age,” chika ni Ian.

“Importante sa akin talaga mag-daydream. Alam mo hindi ako nakokonsensiya kahit buong maghapon akong nagkakape o nakatingin sa puno o nakatingin sa ulap.

“‘Yung muni-muni, alam mo ‘yon. Kasi lahat nang ginagawa ko ngayon ay nagsimula ‘yon sa muni-muni. It’s like planting seeds in your head,” sey pa ng celebrity dad.

Samantala, balik sa pagiging action star si Ian sa bago niyang project, ang mini-series na “One Good Day” na mapapanood na simula sa Nobyembre 17 sa Amazon Prime Video.

Kasama rin dito sina Rabiya Mateo, Andrea Torres, Alex Sandoval, Aljur Abrenica, Kyzer Catillo, Justin Cuyugan, Nicole Cordoves, Pepe Herrera, Robert Seña, Menchu Lauchengco-Yulo at Joel Torre.

Ian Veneracion hindi takot mamatay: ‘I don’t have issues with death’

Ian Veneracion bumilib sa galing nina Rabiya Mateo at Andrea Torres: Masaya silang katrabaho!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ian Veneracion ikinumpara kina Liam Neeson at Keannu Reeves, kering-keri pa ring makipagbakbakan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending