Kyline sa ‘relasyon’ nila ni Kobe: It’s a different feeling!
KALMADO na ang mga fans and supporters ng rumored couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras matapos mag-deactivate ang basketball player ng kanyang Instagram account.
Active at naka-public na uli ang IG page ni Kobe matapos nga itong mawala pamsamantala na ikinaalarma ng mga netizens na naka-follow sa kanya.
May mga nagpalagay na baka raw nagkaproblema sila ni Kyline kaya bigla siyang nag-deactivate ng Instagram at meron namang nagsabi na baka raw feel lang ni Kobe na magpaka-private muna sa mga kaganapan sa kanyang buhay.
Baka Bet Mo: Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’
Binasag na rin naman ni Kyline ang mga haka-haka na may problema o isyu sa kanila ng kanyang rumored boyfriend. Sa katunayan, magkakaroon nga sila ng bonggang collaboration.
View this post on Instagram
Sa ulat ng “24 Oras”, super thankful pa nga ang aktres dahil pumayag si Kobe na makasama niya sa kanyang next project na gagawin pa ang shooting sa China.
“We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him,” ani Kyline sa naturang panayam.
Super excited na nga raw siya sa magiging bonding days nila sa China, “Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin.”
Baka Bet Mo: Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters
Nang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Kobe ngayon, “It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it.
“Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words,” aniya pa.
View this post on Instagram
Nauna rito, ilang netizens ang nagtanggol kina Kobe at Kyline hinggil sa desisyon ng dalawa na gawin munang private ang kung anumang meron sila ngayon.
Sabi ng isa nilang fan, “Deactivated ata ig ni kobe. hindi natin alam kung bakit. pero pls, tigilan niyo na kasi kakamention sa kaniya sa mga ig posts ni kyline.
“Pinepressure nyo nang mag-like, comment, story, or what eh. while its true that their chemistry is something and it’s making u all happy, let’s stop making it looks like they are responsible to keep that ‘kilig’ para sa inyo.
“Kaya nga lowkey kasi hindi yan loveteam na gagawa ng teleserye or series. LET THEM ENJOY WHAT THEY HAVE GENUINELY,” sabi pa nito na may punto rin naman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.