Jerald, Kim engaged na: Salamat sa pagsama sa akin sa 10 taon...

Jerald, Kim engaged na: Salamat sa pagsama sa akin sa 10 taon…

Reggee Bonoan - August 12, 2024 - 08:56 AM

Jerald, Kim engaged na: Salamat sa pagsama sa akin sa 10 taon...

Kim Molina at Jerald Napoles

ENGAGED na ang magkarelasyong Jerald Napoles at Kim Molina pagkalipas ng ilang taong pagsasama bilang live-in partners.

Ginanap ang marriage proposal ng aktor sa PETA Theater kagabi, Agosto 11 kung saan doon din sila unang nagkakilala, sa jukebox musical play na “Rak of Aegis” taong 2014.

Sa ginanap na pagpo-propose ni Jerald ay tila alam na ito ni Kim dahil nang makita niyang punumpuno ng bulaklak ang buong stage ng PETA with matching mga pailaw at balloons habang nakatayo siya sa gitna ay emosyonal na ang dalaga.

Hanggang sa lumabas na si Jerald galing sa likod at may dalang bote ng beer bilang pampawala ng nerbiyos.

Baka Bet Mo: Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Comedy pa rin ang banat ng aktor dahil nga sinisita siya ng aktres habang umiiyak at sinabihan niya ito ng, “Relaks ka lang okay (sabay hagod sa likod).  Inhale, exhale. Laya mo ‘yan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


At seryosong sabi ni Je, “So, on this stage exactly 10 years ago (kinorek ni Kim, 10 years and 5 days) for the first time, we got to know each other Saudi Girl (doon nag-aral at lumaki si Kim), Tondo Boy nag-duet kaagad tayo nang hindi pa tayo nag-uusap.”

“So, doon tayo nagkakilala (and) this stage given me a lot of things in my life (like) progress, dreams goals career, name, family, friends, new friends and of course special someone.

“Pasensya na 10 taong pangako hinimok lang siguro ng panahon, marami rin tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy (proposal).

“I’ve been planning to do this last year but due to circumstances hindi natin natuloy and then I planned to this also on Christmas as my Christmas gift to you and I was planning this also sa birthday concert (July) kaso nag-LBM ka.

Baka Bet Mo: Nanay ni Jerald Napoles kung anu-anong trabaho ang pinasok: ‘Naging manikurista, nagtinda sa Divisoria, nag-floor manager, nag-yaya’

“And the final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe sa Venice para (habang sakay) sa Gondola pero (hindi natuloy) baka dito talaga (PETA stage) kung saan nagmula at mas sincere actually kung dito.

“Maraming, maraming salamat sa lahat sa pagmamahal na ibinigay mo, maraming salamat sa pagpunta, (emosyonal na ang aktor) maraming salamat sa pagsama sa akin sa 10 taon na tinatanong mo lagi kung bakit kita mahal at hindi ko rin masagot kung ano ba dapat ang mag-isip ng sagot pag tinatanong mo ang tao,” pahayag pa ng aktor.

At gumaralgal na ang boses ng aktor, “Basta ang alam ko lang mahal kita pag gumigising ako, mahal kita pag kumakain ako, mahal kita pag nagdyi-gym ako, mahal kita pag nasa banyo ako (natawa at sabay iyak ni Kim).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


“Mahal kita bago ako matulog, mahal kita sa pagtulog hanggang sa panaginip, ikaw’ yung nagparamdam sa akin na matagal pa akong naging mag-isa sa buhay, marami akong kaibigan pero nangangapa ako kung ano ba ang dapat kong gawin kasi nasanay akong mag-isa.

“So, ito na ‘yun and Kim, you know that you’re always been may penguin may favorite animal hanggang sa nalaman ko na ang penguin takes a partner forever, so, Kim will you be my penguin and will you marry me (inilabas ang singsing at sabay luhod).

Iyak naman nang iyak ang aktres na hindi naman maintindihan kung ano ang sinasabi nito sa napanood naming video pero tsinek muna ang singsing kung malaki ba ang bato dahil natawa si Jerald at saka isinuot sa daliri ng dalaga at sabay nagyakapan at nag-kiss.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dinig na dinig naman ang tuwa at saya ng mga taong naka-witness ng proposal at lahat sila ay masaya para kina Kim at Jerald, sabay bigay ng malaking bouquet ng sunflower at nagpasalamat ang aktor sa mga dumalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending