Estudyante inialay ang pagiging magna cum laude kay Vice Ganda

Estudyante inialay ang pagiging magna cum laude kay Vice Ganda

Ervin Santiago - July 29, 2024 - 10:44 AM

Estudyante inialay ang pagiging magna cum laude kay Vice Ganda

INIALAY ng isang netizen ang kanyang college diploma sa Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda matapos maka-graduate kamakailan.

Ayon sa X user na si @c0wl0ss, si Vice ang naging inspirasyon niya sa pagtupad sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ipinost ng naturang netizen sa social media ng kanyang graduation photo kung saan mababasa ang pangalang “Torcelino Carlos Inigo D” na may logo ng University of the Philippines Diliman.

Mababasa rito na nagtapos ang estudyante ng Magna Cum Laude para sa kursong Bachelor of Arts in Political Science.

Ang mensaheng nakalagay sa naturang post ay, “Meme Vice Ganda. Di mo man makita itong tweet ko pero tinuruan mo ang beki na ito na pwedeng mangarap nang matayog at abutin ito sa kabila nang kalupitan ng lipunan. Mahal na mahal kita.”

Baka Bet Mo: Perci Intalan dumepensa kay Vice; 62nd b-day ni Sec. Abalos star-studded

Nakarating naman ang message ng netizen sa TV host-comedian at ibinandera ang kanyang kaligayahan para sa pagtatapos ni Torcelino with honors.

“CONGRATULATIONS!!! Ipinagbubunyi kita!!!! Ang buti ng iyong puso, husay ng kaisipan at tapang ng ung katauhan ang baunin mo sa napakagandang bukas na nag-aantay sayo.

“Naniniwala ako sa’yo Anak kong Baklang Magna Cum Laude,” ang proud na proud na mensahe ni Vice para sa kanyang supporter.

Hindi naman makapaniwala ang UP graduate na napansin ni Vice ang kanyang post. Sagot niya sa komedyante, “MEME @vicegandako pinalaki mo ako with ur sharp wits and lines. You broke so much fortified boundaries for our community.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I CANNOT WAIT TO WATCH YOUR MOVIE SOON and MEET YOU AGAIN SOOONESTTT. THIS MEANS THE WORLD TO ME. I LOVE YOU!

“I LOVE YOU SO MUCH MEME VICE! I HOPE TO MEET YOU AGAIN SOON,” ang sabi pa ng X user.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending