Perci Intalan dumepensa kay Vice; 62nd b-day ni Sec. Abalos star-studded
HINDI guilty ang grupo nina Perci Intalan at Jun Lana sa akusasyon ni Atty. Ferdinand Topacio na umano’y kinopya lamang ang tema ng pelikula ni Vice Ganda na “And The Breadwinner Is…”.
Ang “And The Breadwinner Is…” ay isa sa mga pelikula na pumasok sa Top 5 entry para sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December, 2024.
Nakachikahan ng BANDERA si Direk Perci sa star-studded 62nd birthday celebration ni DILG Sec. Benhur Abalos na ginanap kamakailan sa EDSA Shangri-La Hotel.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Perci Intalan umamin na sa tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jun Lana
Isa si Direk Perci sa mga kilalang celebrities na rumampa sa red carpet ng birthday party ni Sec. Abalos at nakausap nga namin siya tungkol sa pagkakapasok ng IdeaFirst at Star Cinema collaboration project na “And The Breadwinner Is…” sa unang limang entry sa MMFF 2024.
View this post on Instagram
Umalma kasi ang Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio na umano’y ginaya lamang ng movie ni Vice ang pelikula ni Rogelio dela Rosa na “Higit sa Lahat” noong 1955.
Paliwanag naman ni Direk Perci, kung mababasa raw ni Atty. Topacio ang kabuuan ng kanilang script ay hindi nito masasabi na nangopya sila ng pelikula.
Sabi ng direktor at producer, “May isang part lang na nagkapareho, but it’s not even something na masasabi mong copied because an insurance scam is an insurance scam.
“The fact na may tawag sa insurance scam means na it pre-exists before somebody put it in a work of fiction, ‘di ba? So, ‘yun lang naman actually ang pareho,” esplika niya.
Samantala, natanong din si Direk Perci kung kung magkakilala ba sila nang personal ni Sec. Abalos at isa nga siya sa invited guest sa bonggang kaarawan nito.
Baka Bet Mo: Vice Ganda, Direk Jun Robles Lana sanib-pwersa sa bagong movie project
Paliwanag ni Direk, malaki ang naitulong ni Sec. Abalos para mailapit kay First Lady Liza Marcos ang mga problema sa film industry lalo na ng mga movie producers na tulad niya.
View this post on Instagram
Kaya bilang pasasalamat, naki-join siya sa parry nito na ang highlight ay ang pagbibigay-commitment sa tatlo nitong foundation — ang CiaraMarie Foundation (na nakalaan para sa pagpapatayo ng maraming eskuwelahan sa mga remote provinces at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga batang may autism spectrum); Kwarto ni Neneng (na sanctuary para sa abused women, at children), at Bida (na naka-focus sa drug rehabilitation).
In fairness, punumpuno ang isang bahagi ng EDSA Shangri-la Hotel dahil sa mga kaibigan ni Sec. Abalos mula sa showbiz at politics na dumalo sa kanyang 62nd birthday party. Of course kasama ng Kalihim ang kanyang maybahay na si Mandaluyong Vice Mayor Menchie Abalos.
Present sa okasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kasama si First Lady Liza Araneta Marcos, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, Cong. Sam Verzosa, Sen. Mark Villar at Sen. Sonny Angara.
Mula naman sa showbiz, naroon sina Jason Abalos, Will Ashley, Vicki Belo with Hayden Kho, Tim Yap at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.