Jericho basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

Jericho basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

Ervin Santiago - July 18, 2024 - 01:49 PM

Jericho basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

GAANO katotoo ang chika na binasted ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo ang kapwa Kapamilya star na si Jericho Rosales.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na itinuloy ng premyadong aktor ang panliligaw sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla.

Kasunod nito, pumutok naman ang chika na nagkakamabutihan na raw sina Jericho at Janine Gu­tierrez dahil sa kumalat na mga litrato nila together habang nasa National Museum sa Manila.

Feeling ng mga netizens, may something nang namamagitan sa dalawang Kapamilya stars lalo pa’t pareho naman silang single ngayon dahil balitang matagal na raw naghiwalay sina Janine at Paulo Avelino.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘di naghahanap ng new love: Too early for that

Nabasa rin namin sa Instagram page ni Janine ang comment ng nanay niyang si Lotlot de Leon na, “Ah excuse me po…sino po kasama mo nagpunta diyan? Hmmmm.”

Nag-reply sa kanya si Jericho at sinabing, “Nag-doorbell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso eh.”

Sa mga nabasa naming comments ng netizens, mukhang kumbinsido na silang exclusively dating na sina Echo at Janine at in fairness, marami namang boto sa kanila kung totoo ngang playing beautiful music na sila together.

Ayon naman sa ulat ng ating colleague at kaibigan na si Gorgy Rula, binasted daw ni Kathryn si Jericho kaya naman ibinaling na nito ang atensiyon kay Janine.

Ang chika, may isang non-showbiz guy daw ang nanliligaw kay Kath na handang gawin ang lahat para masungkit ang matamis na “yes” ng Box-Office Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May balita ring hindi totoong nanliligaw ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Ri­chards kay Kathryn tulad ng paniniwala ng ilang fans.

Talagang close lang daw talaga sina Alden at Kath bilang magkaibigan at hanggang sa screen lang daw ang kanilang tambalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending