Janine, Jericho ‘spotted’ magkasama: ‘Museum date??’

Janine, Jericho ‘spotted’ magkasama, hirit ng netizens: ‘Museum date??’

Pauline del Rosario - July 12, 2024 - 10:39 AM

Janine, Jericho ‘spotted’ magkasama, hirit ng netizens: ‘Museum date??’

PHOTOS: Screengrab from Facebook, TikTok

IS it for real or reel? Ito ang nais namin malaman mula sa aktres na si Janine Gutierrez at actor na si Jericho Rosales.

Kumakalat kasi ngayon sa social media, lalo na sa TikTok at Facebook, ang ilang videos na magkasama sila sa isang museum sa Manila.

Hati ang reaksyon ng netizens at fans kung saan may mga nagtatanong kung ano ang real score ng dalawa.

Habang ang iba naman ay sinasabing baka promotion lang ito para sa upcoming teleserye nila.

Magugunita sa mga nauna naming naibalita na magkakaroon ng TV comeback ang batikang aktor makalipas ang anim na taong pahinga at isa sa makakasama niya sa bagong project ay si Janine.

Baka Bet Mo: Jodi ipinasilip ang ‘look test’ nila ni Jericho: ‘Kinakabahan pa rin ako!’

Anyway, narito ang ilan sa mga naging usap-usapan na post recently.

Mapapanood sa uploaded TikTok video ni @coachyjona na namamasyal sa museum ang dalawa na tila magkaterno pa ang kanilang damit.

Si Janine ay naka-white cropped sleeveless at pants, habang si Jericho naman ay naka-white polo.

Mapapansin din na may kasama silang bodyguards umano at ang tour guide ng pinuntahan nilang museo.

May caption pa riyan ang uploader na: “Museum date??” at “Guess who.”

@coachyjona GUESS WHO🫣🥰❤️ #echo #jericho #jerichorosales #janinegutierrez #janinegutierrez ♬ original sound – JonaRCT

May post din ang TikTok username na @saideasis1 na same location din, pero ginawang slowmo nang tumingin sa kanya ang aktor.

Halatang kinilig ang uploader dahil sa caption niyang: “Ngitian kaba nmn ni echo [holding back tears emoji] himlay malala [smiling face with heart eyes].”

@saideasis1 Ngitian kaba nmn ni echo 🥹himlay malala😍 #fyp #jerichorosales #janinegutierrez ♬ Room – Stell

Bukod sa mga ‘yan, usap-usapan rin ang isa pang video na makikita sa Facebook kung saan nakasakay ang dalawa sa likod ng mini truck.

Mapapanood na enjoy na enjoy ang dalawa habang kumukuha ng picture o video si Jericho.

Wika sa post ni NeriMe Crtvs, “Nakaka starstruck tong dalawang to. Literal na Artistahin.”

Noong nakaraang buwan lamang nang ibandera ng Dreamscape Entertainment ang pagbabalik telebisyon ng tinaguriang Asian Drama King na si Jericho.

Pagbibidahan niya ang revenge series na “Lavender Fields” kasama sina Janine at ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Sa isang post, inihayag ng veteran actor ang kanyang pagkasabik na makatrabaho ang dalawang aktres at iba pang cast ng upcoming show.

“Stoked I’m finally working with Jodi, Janine, and the rest of the gang! We have an amazing cast! Parating na rin sila!” ani ni Jericho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending