Jericho Rosales excited sa TV comeback after 6 years

Jericho excited sa TV comeback after 6 years, bibida sa ‘Lavender Fields’

Pauline del Rosario - June 14, 2024 - 11:43 AM

Jericho excited sa TV comeback after 6 years, bibida sa ‘Lavender Fields’

MAKALIPAS ang anim na taon, kaabang-abang ang television comeback ng Asian Drama King na si Jericho Rosales!

Bibida siya sa upcoming revenge series na pinamagatang “Lavender Fields” kasama ang award-winning actresses na sina Jodi Sta. Maria at Janine Gutierrez.

Ang exciting news ay ibinandera ng Dreamscape Entertainment sa Instagram kung saan ibinunyag ang magiging role ng Kapamilya actor.

“JERICHO ROSALES is TYRONE DE VERA!” caption sa cast reveal video.

Chika pa, “This is THE GRANDEST COMEBACK of the Asian Drama King sa Primetime Bida! Abangan si Jericho Rosales sa GRANDEST SERYE ng taon, mula sa ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment!”

Baka Bet Mo: Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)

Sa comment section, makikita ang mensahe ni Jericho na lubos na nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng kanyang fans.

“Hey guys, reading comments. THANK YOU!!!” saad niya.

Mensahe pa niya, “Y’all have a good dayyyy See you soon!!! Maraming salamat ulitttt.”

Bukod diyan, masaya rin niyang inihayag ang kanyang pagkasabik na makatrabaho sina Jodi, Janine at iba pang cast ng upcoming show.

“Stoked I’m finally working with Jodi, Janine, and the rest of the gang! We have an amazing cast! Parating na rin sila!” ani ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang interview with ABS-CBN, sinabi ni Jericho na very excited na siyang magbalik-telebisyon matapos ang matagal-tagal niyang pagpapahinga sa showbiz.

“For me, timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming,” sambit niya sa panayam.

Kung maaalala, Taong 2019 pa nang huling bumida ang Asian drama king sa melodrama na “Halik” kasama sina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending