Jericho Rosales 'di naghahanap ng new love: Too early for that | Bandera

Jericho Rosales ‘di naghahanap ng new love: Too early for that

Therese Arceo |April 17,2024
facebook
share this

Jericho Rosales ‘di naghahanap ng new love: Too early for that

Therese Arceo - April 17, 2024 - 07:26 PM

Jericho Rosales 'di naghahanap ng new love: Too early for that

Jericho Rosales

INAMIN ng aktor na si Jericho Rosales na hindi muna siya naghahanap ng bagong pag-ibig ngayong taon.

Sa eksclusibong panayam ni MJ Felipe, nausisa ang aktor kung parte ng kanyang 2024 ang makatagpo ng bagong pagmamahal.

Ito ay diretsahang sinagot ni Echo ng “No”.

Dagdag pa niya, “It’s too early for that.”

Baka Bet Mo: Jericho sumasabog ang energy sa pagbabalik-akting; Kathryn eeksena?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang una nang naiulat ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na diumano’y nanliligaw raw si Jericho sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo base na rin sa source niya na mula sa kampo ng aktres.

Bukod pa kay Echo, nanliligaw na rin umano ang Kapuso actor na si Richard Aldens sa dalaga.

Matatandaang unang umugong ang balitang may “something” sa pagitan nina Jericho at Kathryn matapos silang mamataang magkasama sa isang night jog.

Agad ring mag-viral ang pin-upload ng isang netizen na nagpa-picture sa dalawa.

Base naman sa naging interview ng ABS-CBN News kay Kath, kasama rin nila ang pamangkin ni Echo na si John Manalo noong araw na ‘yun.

Samantala, pinuri rin ng aktor si Kathryn sa naganap nitong contract renewal.

Amin rin ni Kathryn, isa si Jericho sa nais niyang makatrabaho in the future.

“He’s such a nice guy, sobrang bait niya. Ayaw mo bang makatrabaho ‘yung ganun? So let’s just see,” sey pa ni Kathryn patungkol kay Echo.

Marami pang mga events na namataang magkasama ang dalawa gaya na pang nang maganap ang gender reveal party nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Present rin si Echo sa naging birthday party celebration ni Kathryn sa El Nido, Palawan.

Wala namang problema kung pumuporma nga si Jericho kay Kathryn dahil parehas naman na silang single.

Kamakailan lang nang ma-reveal na 2019 pa pala hiwalay si Echo sa kanyang dating asawa na si Kim Jones.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay base sa ibinahagi ng kanilang ninong sa kasal na si Ricco Ocampo.

Samantala nitong November 2023 lang nang kumpirmahin ni Kathryn na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending